1,832 total views
Inilulunsad ng Caritas Philippines ang programang nagpapakain sa isang buong pamilya sa loob ng isang taon.
Ito ang mensahe ni Jing Rey Henderson – Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng Caritas Philippines sa nalalapit na paggunita ng World Food Security Day sa June 07.
Ayon kay Henderson, kasalukuyang benepisyaryo ng Family Feeding Program ang 300 pamilya mula sa 12-diyosesis habang inaayos pa ang pakikipag-ugnayan sa karagdagang siyam na bagong diyosesis.
“Sa pamamagitan po nung family feeding program , hindi lamang anak yung malnourished sa bahay, kapag may malnourished na anak sigurado yung kapatid niya ay malnourished din, at sigurado yung kaniyang nanay at tatay ay malnourished din kasi walang sapat na pagkain. kaya mahalaga mayroon tayong world food day, world food security day na selebrasyon” panayam kay Henderson sa programang Baranggay Simbayanan.
Bukod sa pagsusulong ng sapat na pagkain para sa isang buong pamilya, layunin ng Family Feeding Program na bigyang dignidad ang mga benipisyaryo.
Sa 45-libong pisong pondo kada pamilya sa isang ay binibigyan ng pagkakataon ang mga benepisasryo na makapamili ng kanilang lulutuing pagkain.
Ang mga benepisaryo ng programa ay bibili sa mga tiangge sa parokya o sa mga supplier ng ibat-ibang social action center ng simbahan.“Sa atin po ay may coupon kayo, pupunta po kayo doon sa palengke of example alam mo na ngayon kung sino yung mga supplier ng mga social action center or yung mga tiangge sa parokya doon kayo pupunta tapos mamimili kayo anong klase ng gulay ba ang gusto nating kainin for the rest of the week,”paglilinaw ni Henderson
Tiniyak rin ng opisyal ng Caritas Philippines na natutulungan nito ang mga magsasaka o mangingisdang suppliers ng programa dahil direkta silang kumikita na hindi na kinakailangan pang makipag-ugnayan sa mga middle men upang maibenta ang kanilang ani.
Noong 2022, umabot sa 500-milyong piso ang nailaang pondo ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasalanta ng kalamidad, pagpapakain sa mga nagugutom at iba’t-ibang livelihood programs.