1,544 total views
Suportado ng Santo Papa Francisco ang inilunsad na programang Family Global Compact ng Dicastery for the Laity, Family and Life at Pontifical Academy for Social Sciences.
Ayon sa santo papa, maganda ang layunin ng programa upang mapagtibay ang bawat pamilya sa buong mundo. “I wish to support the Family Global Compact, a collaborative plan aimed at bringing the pastoral care of families into dialogue with centers of study and research on the family located in Catholic universities around the world,” pahayag ni Pope Francis.
Ang programa ay hango sa mga pag-aaral at pagsasaliksik sa cultural at anthropological relevance ng pamilya at mga panibagong hamong kinakaharap ng lipunan.
Pinuri ni Pope Francis ang pagtutulungan ng simbahan at akademya sa pagpapatatag ng mga programang mangangalaga sa pamilya sang-ayon sa kanyang Apostolic Exhortation na Amoris Laetitia noong 2016 kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng pamilya sa kinabukasan ng mundo at ng simbahang katolika.
Mithiin nitong makinabang ang simbahan sa mga pagsasaliksik, paghuhubog at pagsasanay na ipatutupad sa Catholic universities kaugnay sa pastoral care ng pamilya.
“Together, the universities and programs of pastoral ministry can more effectively promote a culture of family and life in this time of uncertainty and a certain shortage of hope. Solidly grounded in present realities, such a culture would help new generations to appreciate marriage and family life with its resources and challenges and the beauty of generating and nurturing human life,” ani ng Santo Papa.
Sa programa inatasan ang Catholic universities na gumawa ng in-depth theological, philosophical, legal, sociological at economic analysis sa pag-aasawa at pamilya upang itaguyod ang kahalagahan bilang pundasyon ng lipunan.
Kabilang sa Four-goals ng Family Global Compact ang:
1. Initiating a process of dialogue and greater collaboration among university study and research centres dealing with family issues, in order to make their activities more productive, particularly by creating or reviving networks of university institutes inspired by the social doctrine of the Church.
2. creating greater synergy of content and goals between Christian communities and Catholic universities.
3. promoting the culture of family and life in society, so that helpful public policy resolutions and objectives can emerge.
4. harmonizing and advancing proposals that result from this, so that service to the family can be enhanced and sustained in spiritual, pastoral, cultural, legal, political, economic and social terms.
Naniniwala si Pope Francis na ang pagpapatatag sa samahan ng pamilya ay makabubuti sa buong pamayanan. “Healthy family relationships represent a unique source of enrichment, not only for spouses and children but for the entire ecclesial and civil community,” giit ni Pope Francis. Sa Pilipinas patuloy ang pagsisikap ng simbahan sa pagsusulong ng mga programang mangangalaga sa kapakanan at karapatan ng 26 na milyong pamilya katuwang ang iba’t ibang lay missionary groups na nakatuon sa pamilya.