10,992 total views
Ipinarating ng Federation of Free Workers sa idinaos na 112th International Labour Conference (ILC) ang mga suliranin na kinakaharap ng manggagawang Pilipino.
Inihayag ni FFW president Atty. Sonny Matula na kanilang inilatag ang mga suliranin sa international audience dahil sa mabagal at pagbabalewala ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.
Inilapit ng F-F-W sa I-L-C ang mabagal na pagbibigay ng katarungan sa mga kaso ng paglabag karapatan ng mga manggagawa at pagpatay sa mga labor leader sa Pilipinas.
Kabilang din ang kakulangan ng mga polisiya at batas na nangangalaga sa karapatan ng mga mangagawa sa tamang pasahod, kaligtasan sa mga lugar ng paggawa at mga pang-aabuso ng mga employer.
“There is a structural problem. Unlike the regular courts, which operate with three layers, the labor justice system has four, leading to prolonged dispute resolutions,” said Matula. “On average, it takes about seven years to resolve labor disputes, from the Labor Arbitration Branch through to the Supreme Court. This added layer contributes to unnecessary delays and inefficiencies,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Matula sa Radio Veritas.
Nagpapasalamat at sumang-ayon si Matula sa tugon ng I-L-C na irekomenda sa pamahalaan ng Pilipinas ang hinaing ng mga manggagawang Pilipino at gamitin ang ILC 2030 Agenda na Sustainable Development Goal para sa pangangalaga ng kanilang kapakanan.
Patuloy naman ang apela F-F-W sa mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan na pakinggan at tugunan ang panawagan ng mga manggagawa.
“Labor administration is instrumental in implementing target SDG 8.8, which focuses on protecting labor rights and promoting safe working environments for all workers, including migrant workers and those in precarious employment,” ayon pa sa mensahe ng FFW.
Taong 2021 at 2022 napabilang ang Pilipinas sa listahan ng Global Rights Index Top 10 most dangerous countries for labor union and members matapos maitala sa mahigit 70 manggagawa ang napapatay simula pa noong 2016.