386 total views
Inaanyayahan ng Metrobank Art & Design Excellence (MADE) ang mga Filipino artist na ibahagi ang mga angking talento sa paglikha ng sining.
Kaugnay ito sa pagdiriwang ng Metrobank Foundation ng kanilang ika-43 anibersaryo ng pagiging kaagapay ng bawat Filipino sa pagpapalaganap ng pag-asa.
Tema ng anibersaryo ang “Excel. Engage. Empower” na sumasagisag sa dedikasyon ng institusyon upang magbigay-daan tungo sa makabuluhang inisyatibo at pakikipag-ugnayan tungo sa pag-unlad.
Dahil dito, muling ilulunsad ang MADE Painting and Sculpture Recognition Program 2022 na layong panibaguhin at ipagpatuloy ang pagsuporta para sa mga malikhaing kabataan upang makamtan ang kahusayan, at maitaguyod ang kapangyarihan ng sining tungo sa pagbabago.
Ang magiging Grand Awardees sa nasabing programa ay maaaring magkamit ng iba’t ibang gantimpala mula sa Metrobank Foundation.
Sa mga nais na sumali, bisitahin lamang ang website na www.madeartdepot.ph o ang Metrobank Art and Design Excellence facebook page para sa mga karagdagang impormasyon.