8,335 total views
Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican.
Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at kasalukuyang pinamunuan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle bilang Pro Prefect.
Si Msgr. Balagapo na 53 taong gulang ay tubogn Sulat Eastern Samar at naordinahang pari ng Archdiocese of Palo noong 1996.
Ilan sa mga tungkuling ginampanan sa arkidiyosesis ang pagiging professor ng canon law, head ng ongoing formation for the clergy, judicial vicar at chancellor.
Nagkamit ng Doctorate in Canon Law sa Pontifical University of the Holy Cross habang Licentiate in Moral Theology sa Pontifical Institute ‘John Paul II’.
Ang Dicastery for Evagelization ay itinatag noong 2022 sa bisa ng apostolic constitution Praedicate Evangelium kung saan pinalitan ang Congregation for the Evangelization of Peoples at hinati sa dalawang bahagi.
Personal na pinamunuan ni Pope Francis ang dicastery katuwang sina Cardinal Tagle sa section “for the first evangelization and new particular churches’ at Archbishop Rino Fisichella naman sa section, for Fundamental Questions regarding Evangelization in the World.