182 total views
Binisita ni Caritas Internationalis President, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang ilan sa mga Filipinong mangingisdang nakaligtas sa Nangfao Bridge collapse sa Yilan Taiwan noong Oktubre.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples’ (CBCP-ECMIP) puno ng kagalakan ang pagtatagpo ng mga lider ng Simbahan at mga Overseas Filipino Workers.
Sinabi ni Bishop Santos bilang Simbahan ay pinaalalahanan nito ang mga Filipinong manlalayag na maging maingat sa anumang oras at palakasin ang buhay pananampalataya at pananalig sa Diyos.
“We the Church reminds them to be always safe as we always remember them in our prayers and Holy Masses; be strong in body and spirit, much in faith to God,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Binigyang diin ng pinuno ng CBCP-ECMI na kilala ang mga Filipinong manggagawa sa kahit na anong uri mg sasakyang pandagat sa buong mundo dahil kinikilala ng mga malalaking kompanya ang kakayahan ng mga Filipino at iginagalang din ito sa mga komunidad na napupuntahan.
“The most common descriptions of seafarers here (abroad) are they (Filipinos) very confident which comes to their tasks and skills, very concern towards their fellow seafarers and with their tools , and very compassionate to those whom they left behind,”saad pa ni Bishop Santos.
Batay sa pag aaral sa higit isang milyong manlalayag sa buong mundo halos kalahating milyon dito ay pawang Filipino na nagtatrabaho sa cruise, tanker or passenger ship.
Sa pagbisita ni Bishop Santos at Cardinal Tagle sa Taiwan, nakasalamuha nila ang lima sa 16 na mangingisdang nakaligtas sa trahedya habang ipinagdasal naman ang kaluluwa ng 3 mangingisdang Filipinong nasawi at 3 Indonesian sa misang ginanap sa Our Lady of the Holy Rosary Cathedral sa Kaoshiung Taiwan.
Nagpasalamat ang CBCP ECMI sa lahat ng tumulong sa mga biktima ng trahedya sa Taiwan lalo na sa mga Paring kumalinga na sina Fr. Joy Tajonera, MM, Fr. Rico Talisic, CS at Fr. Asensius Gantur.
“Truly we are called to serve; and as for the pastoral care of migrants and itinerant people, we are called to serve, we come to save,” dagdag pa ng Obispo.
Sa huli ay pinaalalahan ng Obispo ang mga migrante na maging tunay sa salita at sa gawa bilang pagpakita ng katapatan sa Diyos at sa kapwa.
“Sincerity is fidelity to God and to their loved ones with their marital vows and promises.”