3,346 total views
Inaanyayahan ng European countries na kasali sa Europe Higher Education Fare (EHEF 2023) ang mga estudyante na nais magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa ibayong dagat.
Ito ay sa pamamagitan ng EHEF 2023 kung saan higit sa 80-unibersidad at institusyon ang bukas para sa Pilipinong mag-aaral na nais mag-aral sa European countries.
Inihayag ni Janine Viray ng Office of the Ireland Embassy to the Philippines, bukod sa katangi-tanging pagkakataon ay malawak din ang mga pagpipilian ng mga estudyante sa mga paaralan at kursong inaalok ng Ireland.
“We offer undergraduate courses and to also post graduate and PHD course to student who are interested to go to Ireland so we have 27 universities and colleges that offer different varieties of course from business, engineering, IT and also Sciences as well,” ayon sa panayam ni Viray sa Radio Veritas.
Tiniyak rin ni Athena Cartagena Communication and Political Office of the Sweden Embassy to the Philippines na sa bahagi ng Sweden, hindi na kailangan pang mag-aral muna ng Swedish ang Filipino students na makapag-aral sa kanilang bansa.
Ito ay dahil aabot sa mahigit isang libong english language na masters programs ang iniaalok ng mga paaralang mula sa Sweden, higit na sa pagtugon sa suliranin ng climate change at pagkasira ng kalikasan.
“Innovation and working with others like collaboration to solve our real world problems then drop by at the swedish booth cause that’s the edge that we can offer for the students, if mag-aaral ka ng Masters theres more than 1-thousand masters program offered in english so hindi necessarily na mag-aral kayo ng swedish to study in sweden and you will enjoy the nature and you will enjoy na culture on the collaboration working with your proffesors, working with your classmates to solve our real problems like climate change and sustainable solutions,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Cartagena.
Sa talaan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 2022 bago maganap ang pandemya, umaabot na sa mahigit 49-libo ang bilang ng mga Filipino Students ang nag-aaral sa ibayong dagat.
Una naring hinayag ni Father Anton CT Pascual ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat na oportunidad sa mga kabataan na makapagtapos sa pag-aaral upang magamit ang edukasyon tungo sa pagpapaunlad sa kani-kanilang buhay.