37,651 total views
Matapos mapaltalsik sa panunungkulan ang diktaduryang rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa pamamagitan ng makasaysayang “EDSA people power” bloodless revolution kung saan may malaking bahagi ang Radio Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.. Nawakasan nating mga Pilipino ang martial law at rehimeng Marcos noong January 17,1981 at nai-akda ang 1987 Philippine constitution na “supreme law” ng Pilipinas. Nagtagumpay tayo, nakamit nating mga Pilipino ang kalayaan at naipatupad sa bansa ang demokrasya.
Sa darating na May 12, 2025 nakatakda ang 2025 midterm national,local at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao elections. Sa nakatakdang halalan, 18,721 na posisyon ang pag-aagawan ng mga kandidato na nakapaghain na ng kanilang certificates of candidacy(COC). Nagsimula na rin noong February 11, 2025 ang campaign period.
Ngunit Kapanalig, bilang botante, natuto na ba tayo? Saan ka napapabilang dito, “botante o bobotante? Nakakalungkot lamang matapos ang tatlong dekada, hindi pa rin tayo tumanda!
Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at Ateneo Center for Social Policy and Public Affairs (CSP) na ang mga Pilipino ay nanatiling “uninformed voters” pa rin. Kapanalig, kabilang ka ba dito? Nakakahiya, marami sa ating mga botanteng Pilipino ang hindi alam ang totoong responsibilidad at gampanin ng iba’t-ibang posisyon sa gobyerno.
Bobotante tayo! hindi natin alam na ang pangunahing trabaho ng Senador, Kongresista at Partylist Representatives ay gumawa at magpasa ng batas na kinakailangan sa kanyang lugar at distrito. Ang tingin ng mga botante sa congressman ay namimigay ng ayuda,nagpapagawa ng basketball court, mamimigay ng grocery, nagpapagawa ng mga ilaw sa kalsada.Inihalal natin ang dating pangulong ERAP Estrada na na-convict sa kasong plunder.. Ibinoto natin at nag-topnotcher noong 2022 senatorial election ang isang action star,inihalal din natin ang mga Senador na convicted din ng plunder at graft and corruption, si VP Sara Duterte na na-impeach sa kasong plunder at betrayal of public trust.
Filipino voters preference… bahagi ng political party..media personalities, artista, political dynasty at pre-election survey results.
Sa darating na midterm elections, ano ang pagpipilian nating mga botante? Namamayagpag ang mga kandidatong kabilang sa Filipino political dynasties, sikat na mga surnames, artista, traditional politicians. Sila-sila na lang…kamag-anak incorporated.. Kapanalig, sabihin nating nagta-trabaho naman ang ilan sa mga nahalal mula sa political families. Pero lumabas sa mga pag-aaral na ang “nepotism at political dynasties” ay nagiging ugat ng corruption, kahirapan at political appointments ng mga walang kakayahan manilbihan sa pamahalaan.
Kapanalig, noong 2016 ay inilunsad ng Radio Veritas ang 10-panuntunan sa totoong Servant Leadership… Marunong siyang MAKINIG at SUMANGGUNI sa mga taong nasasakupan..NAKIKIRAMAY siya sa mga taong nasasakupan sa pamamagitan ng pakikiisa at pagtulong. HINIHILOM niya ang mga di pagkakaunawaan sa pamayanan..Mayroon siyang sapat na KAALAMAN at KARANASAN para sa posisyon..May KAKAYAHANG MANGHIKAYAT at hindi pagpilit ng iba sa pagpapatupad ng mga programa o proyekto ng pamayanan..may MALINAW at KONKRETONG programa at plataporma ng pamumuno; nagsusulong ng mga proyekto at batas na magbibigay ng solusyon sa mga problema ng kanyang nasasakupan. NAKIKITA niya ang maaring kahantungan ng kaniyang mga programa at plataporma tungo sa pagbuo ng isang natatanging PANGARAP para sa kanyang nasasakupan.. Hindi siya ganid sa kapangyarihan bagkus nakikita niya ang kaniyang tungkulin bilang PAGIGING KATIWALA na may puso at malasakit sa mga nangangailangan..COMMITMENT TO THE GROWTH OF THE PEOPLE at BUILDING COMMUNITY.
Sumainyo ang Katotohanan.