223 total views
Hindi maikukunsiderang mahirap ang isang pamilya Filipino sa bansa kung kumikita ito ng P21,000 sa loob ng isang taon habang P 25,000 sa Metro Manila.
Sa 2015 Full Poverty Rate ng National Economic Development Authority (NEDA), Ayon sa deputy director general nitong si Emilie Edillon, lumabas naman na nasa 21.6% o 21.9 milyong Filipino ang nasa below poverty line mula sa 101 milyong populasyon ng Pilipinas.
“Ang datus namin nasa 21.6% o 21.9 milyon Filipinos out of 101 milyon ngayon kasama ang mga bata…sa survey ang unit of measure ang pamilya, ang kabuuang kita ng pamilya ang tinitingnan natin halimbawa ang Per capita na nakita nito below poverty line then ang buong pamilya lahat ng miyembro ng pamilya considered natin mahirap. Kailangan magkakasama sa bahay ang pamilya na sinurvey, and for 2015 computation sa entire Philippines ay naga-average ng P21,000 per person per year, sa Metro Manila P25,000 a year consider ka as mahirap.” Ayon kay Edillion sa panayam ng programang Veritasan.
Sinabi ni Edillon na sa kanilang pag-aaral lumalabas na ang may pinakamalaking bilang ng poverty incidence ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao na 66.3% partikular sa Lanao Del Sur na may 48.8% at sa Eastern Visayas.
Ayon pa sa NEDA, dito malaki ang bilang ng naghihirap dahil sa tatlong kadahilanan una; walang economic growth; ikalawa, kung mayroon man ito ay hindi sapat at ang ikatlo ang natural at manmade shocks.
“Ibat-ibang factors na nagko-contribute sa poverty level na ito Tatlong main factors walang nagigin economic growth sa lugar kasi outreached sila; 2, may grow pero hindi sapat hindi nakapag-participate ang mahihirap, siguro di sila makasabay gaya if may BPO di naman sila makapang English; 3rd ang natural and manmade shocks, pag dumating sa buhay ng tao ito yung iba walang mapaghugutan ng savings walang insurance kasi walang ipon so masasaid lahat ng resources mo.” Pahayag ni Edillon.
Paliwanag ng NEDA, may mga ginagawa naman ang pamahalaan bilang intervention upang mapababa ang bilang ng nagsasabing sila ay mahirap sa bansa lalo na sa mga lalawigan kabilang na dito ang paggawa ng farm to market road, ang alternative learning center sa pamamagitan ng TESDA at ang pinaigting pang Conditional Cash Transfer (CCT) program.
“Pumapasok dito ang gobyerno sa no. 2, may intervention like DepEd sa mga nag-drop out di sila nakabalik sa school merun alternative learning system, tinuturuan sila ng TESDA, then ang CCT na in-enhance kasama ng sustainable livelihood program tinuturaun din sila na magnegosyo. sa 3rd, ang calamity, i-build-up ang kanilang socio-economic resiliency, dapat may diversification ang livelihood sources mo, di ka nakaasa lamang sa isang bagay like sa agriculture if nawala yun wala nang ibang pagkukuhanan, turuan silang mag impok, yung financial inclusion kasama yan sa strategy at need mag-build up ng social capital.” Ayon pa sa NEDA deputy director general.
Kaugnay nito, ilalabas ng NEDA sa unang bahagi ng 2017 ang kanilang pag-aaral sa outcome poverty sa pamamagitan ng multi-dimensional poverty index na isinagawa nila ang pag-aaral noong 2015.
“Outcome poverty inaral namin 2 yrs ago, ang multi dimensional poverty index natapos last year ang pag-aaral at early 2017 pwede na naming i-present sa Philippine Statistics Authority (PSA) Board yung methodology kasi need pa nila I approve yung definition at methodology kasi medyo masalimuot kasi pag outcome kesa sa income isang numero lang pinag-uusapan pero papunta tayo doon.” Pahayag pa ni Edillon.