309 total views
Ipinanalangin ng Stella Maris Philippines ang kaligtasan ng mga Filipinong marino na inabandona ng kompanya at kasalukuyang stranded sa China.
Sa panayam ng Radio Veritas kay Balanga Bishop Ruperto Santos ng migrant’s ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at bishop promoter ng Apostleship of the Sea na hangad nitong makauwi ng ligtas sa kani-kanilang pamilya ang 17 Filipino crew ng MV Angelic Power.
“Our seafarers need our help; we are their hope. We, at the Stella Maris Philippines are praying and offering our Holy Masses in different chaplaincies for their welfare and wellbeing, to be happily reunited with their loved ones,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Tiwala si Bishop Santos na kumikilos ang Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment at ang MARINA para ligtas na makabalik sa bansa ang mga stranded seafarers sa Guangzhou China.
Tiniyak ng obispo ang pagtugon sa pangangailangan ng mga marino lalo na sa kanilang pamilya lalo’t malaki ang sakripisyo nito para itaguyod ang kabuhayan ng pamilya at ang ekonomiya ng Pilipinas.
“To ease their pain and to solve their problems, we have to assist them and intercede for them. Let us together, determined and decisive, to bring them home. In fairness and in justice their unpaid wages should be given to them, their rights promoted and protected, their dignity acknowledged and respected; And those who are responsible as placing and manning agencies be strictly held responsible,” ani Bishop Santos.
Batay sa ulat kasalukuyang nakadetine ang 17 marino sa Guangzhou Maritime Court mula Disyembre 2020 dahil sa ‘economic dispute’ sa pagitan ng Guangzhou South China Coal Trade Center Corporation at Angeliki Dynamic Investment Corporation na nagmamay-ari sa barko.
Nangangamba ang mga stranded Filipino seafarers dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain, kawalan ng suportang pinansyal ng kanilang kumpanya at nanganganib na kalagayang pangkalusugan ng ilang crew.
Dagdag pahirap sa grupo ang pag-hold sa kanilang passport at ilang mahahalagang dokumento.
Panawagan ni Bishop Santos sa mamamayan ang patuloy na panalangin para sa mga marinong nagsusumikap maghanapbuhay malayo sa pamilya habang sinusuong ang panganib sa karagatan.
“Our seafarers’ line of works is always unpredictableuncertain like the seas. It is always difficult and dangerous journey. Yet they continue they sail. We should accompany them with our prayers. Much more we have to help and assist them in their predicament and problems. Together we, the Church with Stella Maris and our government agencies with DFA, DOLE and MARINA come and work to their rescue,” giit ni Bishop Santos
Ipinag-utos na rin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang sa Magsaysay Maritime Corporation ang manning agency ng mga marino ang agarang pag-asikaso sa pagpapauwi ng mga OFW bago matapos ang Hunyo.