374 total views
Naniniwala ang Financial Analyst na si Astro Del Castillo na makakamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga layunin sa State of the Nation Address na mapalago ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Castillo na siya ring Pangulo at Managing Director ng First Grade Finance, base sa mga naunang opisyal na datos ng Gross Domestic Product (GDP) at iba pang datos ng pag-unlad ng ekonomiya ay posible na maisakatuparan ang mga plano ng Pangulo.
“Naniniwala kami na kaya naman considering na it’s within the consensus, ayon narin sa mga kasamahan natin na ekonomista, na mga analyst hindi naman lumalayo actually within the range, so we’re saying na kaya naman actually”.pahayag ni Del Castillo sa Radio Veritas
Ikinagalak din ng Financial Analyst na natalakay ng Punong Ehekutibo ang pagkakaroon ng tugon sa limang pangunahing krisis na kinakaharap ng Pilipinas
Ito ay ang mga krisis sa kalusugan, suplay ng pagkain, enerhiya, mabilis na inflation rate at climate change.
“On the fiscal side yung sabihin nalang natin yung simplify the tax compliance procedures para ma boost yung ating revenues, yung ita-tax yung online purchases idi-digitalize na iyon ng gobyerno ibig sabihin pati yung ating mga financial transactions ay mas mapapabilis malaking tulong yan sa revenue collection,” ayon pa kay Del Castillo.
Sa kaniyang naging SONA ay tinalakay ni Pangulong Marcos ang layuning makamit ang hanggang sa 7.5% na GDP rate ngayong 2022 at hanggang 8% GDP Growth Rate sa pagtatapos ng kaniyang termino sa 2028.
Bagamat naitala naman ang mataas na na 8.3% GDP Growth para sa 1st quarter ng 2022 ay umabot parin sa mabilis na 6.1% ang inflation rate noong Hunyo at pumalo sa 2.73-milyong unemployment rate noong Mayo.
Sa Inaguration Day ni Pangulong Marcos noong June 30, naging panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tugunan ang mga pangunahing krisis na kinakaharap ng mga mamamayang Pilipino.