808 total views
Ipinaalala ng Obispo na ang sentro ng mga kapistahan ngayong buwan ng Mayo ay ang Panginoon.
Ayon kay Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, hindi masamang hangaan ang kagandahan ng mga sagala sa santacruzan at magsaya sa mga kapistahan subalit dapat alalahanin na ang lahat ng pagdiriwang ay iniaalay sa Panginoon at pasasalamat sa Mahal na Birheng Maria na ina ng Diyos.
Idinadalangin ng Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na sa pagdiriwang ng mga kapistahan para kay Maria ay matularan din ang kanyang kagandahang loob at mga mabubuting halimbawa.
“We are fascinated with flowers in full bloom. We admire the beauties of sagalas and santacruzan. There are joyful outings and feasts. But don’t forget of the reason of them, it is God. All are because of His goodness.Everything is His grace. Be grateful to Him. Share His blessings, kindness to all. Flowers of May are flowers for and of Mary. Focus on her virtues, not on elegant dresses; follow her examples, and continue your life-procession towards Heaven.” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Umaasa din ang Obispo na sa pagsasagawa ng mga prusisyon ngayong Mayo, ay matutularan ng mga mananampalataya ang paglalakbay ni Hesus.
Aniya, nawa ang bawat isa ay magiging bukal ng pagpapala at biyaya na maipamamahagi sa kapwa.
“Flowers of May are flowers for and of Mary. Focus on her virtues, not on elegant dresses; follow her examples, and continue your life-procession towards Heaven. Don’t concentrate about beauties, but to become [and] to be Jesus to others and be source of blessings to others. As we do our ordinary, daily walks as our procession here on earth, let us take up His cross upon our life. Let us help bear each other’s cross and that is our own santacruzan.” Dagdag pa ng Obispo.
Ang mga Pilipino ay kilala sa malalim na pamimintuho nito sa Mahal na Birheng Maria.
Tinatayang dalawamput isang mga katedral sa buong bansa ang nakatalaga sa Mahal na Ina at ang labintatlo dito ay nakapangalan sa Mahal na Birhen ng Immaculada Conception.
Sa kasalukuyan, mahigit na rin sa apatnapu ang Canonically Crowned Images ng Birheng Maria sa Pilipinas, matapos ang pagkilalang iginawad dito ng Vatican at ng Santo Papa.