176 total views
Ito ang mensahe ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad kaugnay na rin sa pagdiriwang ng simbahan sa kapistahan ni St. John Mary Vianney-ang patron ng mga kura paroko.
Ayon sa arsobispo, nawa ay sumalalamin sa mga pari ang gawain para sa higit na pagpapayabong ng pananampalataya sa kawan at mga anak ng Diyos.
“We continue to reflect his commitment in pastoral seal and also in his love for the people of God. We continue to pray in order there will visible signs of renewal in our life and in that way we are able to bring more people to the church as St. John Mary Vianney leads in his days,” mensahe ni Archbishop Jumoad.
Sa tala ng 2016 Catholic Directory, ang Pilipinas ay may 10,707 mga pari, higit sa isang libo sa mga ito ay mula sa religious congregation na siyang nagpapastol sa higit 80- milyong katoliko sa bansa.
“Let’s focus on our pastoral seal, and let us also to be prayerful. Because it is very important that there is what we call ‘ora et labora’ (pray and work),” ayon pa kay Archbishop Jumoad.
Ang taunang pagdiriwang ay isinagawa tuwing ika-4 ng Agosto.
Si St. John Mary Vianney ay tinatawag bilang ‘The Holy Cure of Ars’ na namuhay at ibinigay ang kaniyang panahon sa pagpapakumpisal.
Sa Nobyembre 2017, bilang pagtatapos sa ‘Year of the Parish as a communion of communities’, sisimulan na rin ng simbahan sa Pilipinas ang ‘Year of the Clergy and Religious’ bilang paghahanda sa ika-500 taon ng katolisismo sa Pilipinas.