889 total views
Ikinatuwa ng Obispo ang nakatakdang paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Freedom of Information o F-O-I.
Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo, malaki ang magagawa nito para tuluyang masugpo ang laganap na katiwalian sa bansa.
Inihayag ng Obispo na ito ang magdidikta sa mga opisyal at sa pamahalaan na maging transparent at ipaalam sa sambayanang Filipino ang pinaggagamitan ng pondo ng bayan .
Iginiit ng Obispo na ang F-O-I ang magiging legal basis ng mamamayang Filipino para obligahin ang gobyerno at mga halal na opisyal na maging transparent sa anumang pinasok na transaksyon at proyekto.
Sinabi ni Bishop Bagaforo na ito ron ang magiging basehan upang mapanagot sa batas ang mga opisyal na nagnakaw sa kaban ng bayan.
“Welcome development kapag meron FOI..big plus factor yan for our quest against corruption. It will force the govt to be transparent… we shall have a legal basis to demand transparency.. bringing govt officials’ accountability as public servants answerable to the people. We support it!”pahayag ni Bishop Bagaforo
Sa kasalukuyan, wala pa ring napapanagot na opisyal ng pamahalaan at mga mambabatas na sangkot sa pinakamalaking iskandalo ng nagdaang administrasyong Aquino ang 10-bilyong pisong pork barrel scam na pinangunahan ni Janet Lim-Napoles.