212 total views
Tinutugunan na ng formation seminars ng Diocese of Kabankalan, Negros Occidental ang mga suliranin ng mga kabataan upang mahimok pa sila na mag-aral
Ayon kay Kabankalan Negros Occidental Bishop Patricio Buzon, problema sa ekonomiya upang tumulong sa pamilya at personal ang pinaka-dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga scholar ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila sa kanilang diocese.
Gayunman, sinabi ni Bishop Buzon na nagsasagawa na sila ng ‘formation seminars ’ para malaman ng mga kabataan na tunay na mahalaga ang edukasyon hindi lamang sa kanilang sarili kundi sa kanilang pamilya, komunidad at sa lipunan.
Ayon sa obispo, mula sa 123 na scholars nila, bumaba ito ngayon sa 96.
“’Yung aming scholars ng 123 started in time now they are 96 which is natural, but the survival is very very high in percentage… beyond our expectation, The first factor is the economic condition, some of them were forced to drop out and really help out the family, that is one, second is barkada, problems connected with youth, pregnancy, basically personal problems and it was a quiet sad development also, kaya may formation program kami for our scholars.” Pahayag ni Bishop Buzon sa panayam ng Radyo Veritas.
Maliban sa YSLEP ng Caritas Manila, may 19 na parochial schools at 3 diocesan colleges ang diocese of Kabankalan na ang vision ay para ipalaganap ang ebanghelisasyon sa pamamagitan ng edukasyon na patuloy na ginagawa sa kasalukuyan lalo na at lahat ng mga parokya doon ay may kanya-kanyang scholars.
Isinasagawa ngayon sa Radyo Veritas ang YSLEP Telethon ng Caritas Manila upang mangalap pa ng pondo para sa mga scholar nila na umaabot sa mahigit 5,000.
Una ng inihayag ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila na ang YSLEP ay tumutulong para mapaunlad ang buhay ng mahihirap sa pamamagitan ng pagpapaaral sa mga mahihirap ngunit may angking talino na mga kabataan na nais magtapos ng kanilang pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya.
Kamakailan, mahigit 600 ang nagtapos na mag-aaral na scholars ng YSLEP.