490 total views
Ginawaran ng posthumous award ng University of Santo Tomas si Ricardo Po, Sr., ang founder at chairman emeritus ng Century Pacific Food, Inc.
Pinarangalan si Po ng Doctor of Science degree, honoris causa dahil sa pagpapakita nito ng kahusayan sa pamumuno gamit ang desisyong nakabatay sa agham.
Isinagawa ang pagpaparangal noong March 19, 2022 na dinaluhan ng Pamilya Po sa pangunguna ng asawa na si Angelita Po, kasama ang mga anak na sina CNPF President and CEO Teodoro Po, Executive Chairman Christopher Po, Vice Chairman Ricardo Po, Jr., at ang Director at Treasurer Leonardo Po.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya Po sa pagkilala ng UST.
“We, his family, his colleagues, his friends and associates, thank this esteemed University for bestowing such a great honor on our beloved Tatay,” ayon kay Teodoro Po sa kanyang acceptance speech sa ngalan ng kanyang Ama.
Si Ricardo Sr. ay nag-aral ng kursong chemistry sa UST sa ilalim ng College of Science, na ngayon ay College of Liberal Arts, mula taong 1952 hanggang 1954.
Kalauna’y pinagkalooban siya ng Master in Business Administration degree ng UST Graduate School noong 2006.
Taong 1978 naman ng simulan ni Po ang canning factory, na naging nangungunang exporter ng mga tuna products sa Pilipinas.
“Ricardo Po may not have become a full-fledged chemist [by completing his Bachelor’s in 1956], but he was a true-blooded Thomasian, for he was a servant leader, effective communicator and collaborator, analytical and creative thinker, and a lifelong learner. Experience became his best teacher,” ayon kay UST Rector Very Rev. Fr. Richard Ang, O.P., sa kanyang Address of Concession.
Sumakabilang-buhay si Po noong October 11, 2021, sa edad na 90 taong gulang, dahil sa mga komplikasyon na nagmula sa operasyon.