377 total views
Pumanaw na sa edad 88-taong gulang ang Jesuit lawyer, manunulat at constitutionalist na si Fr. Joaquin Bernas, March 6.
Ayon kay Veritas Pilipinas anchor priest Fr. Emmanuel Alfonso,SJ-executive director ng Jesuit Communications, pumanaw si Fr. Bernas ala-1:45 ng madaling araw sa Jesuit residente sa Ateneo.
Si Fr. Bernas ay una na ring na-confine sa The Medical City at lumabas ng pagamutan noong March 4, matapos ang anim na linggo dahil na rin sa ‘impeksyon’.
Base sa inilabas na memo ng Jesuit, “Fr. Joaquin Bernas was discharged from The Medical City March 4 evening and arrived at the Jesuit Health and Wellness Center. Fr. Bernie has been diagnosed with an infection that will need about six weeks of treatment.”
“Yan yung memo kahapon. Tapos kaninang maaga, namatay na,” ayon kay Fr. Alfonso.
Humihiling din ng panalangin ang Jesuit community para sa kapayapaan ng kaluluwa ng pumanaw na pari.
Si Fr. Bernas ay bahagi ng 1986 Constitutional Commission na bumalangkas sa 1987 Philippine Constitution at naging dekano ng Ateneo de Manila Law School.
Naglingkod din bilang Pangulo ng Ateneo de Manila University sa loob ng siyam na taon simula April 1984.
Isinilang noong June 20. 1950 sa Baao, Camarines Sur at naordinahan bilang paring Heswita taong 1965.