571 total views
Sa botong 252, inaprubahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagpapatupad ng libreng bayarin sa mga college education examination sa mga kuwalipikadong mag-aaral.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang Free College Entrance Examinations Act ay makakatulong sa libo-libong mga mahihirap na mabawasan ang kanilang gastusin at pagtiyak na makakuha ng pagsusulit para sa kolehiyo.
“This is our commitment to helping promote lifelong learning opportunities and boost sustainable development in the countryside. We know the importance of quality education in changing the world,” ayon kay Romualdez.
Ang House Bill 5001 o Free College Entrance Examinations Act ay kabilang sa dalawang panukala na naipasa sa kamara sa ginagawang marathon session sa House of Representatives kasama na ang pagpapadali sa pagbabayad ng buwis.
Tiniyak naman ni Romualdez na inaasahang matatapos ng mga mambabatas ang pagpasa sa 2.268-trillion pesos 2023 national budget sa Miyerkules bago pa man magbakasyon ang mga kongresista simula sa Sabado.