157 total views
Pinayuhan ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga Overseas Filipino Worker na samantalahin ang pagkakataong malaki ang palitan ng piso kontra dolyar.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, bagaman ganito ngayon ang sitwasyon ng antas ng palitan ay pinaalala rin nito sa mga migranteng Filipino na ito’y panandalian lamang.
Hinimok ni Bishop Santos ang mga OFW na gamitin ang kanilang pera at gumasta lamang sa mga bagay na kailangang – kailangan at huwag magpapatukso sa mga “sales.”
“It is beneficial to our OFW, as exchange rate is higher. But remember it is fluid, not permanent. So save money and spend it wisely, buy only what is necessary, not showy and don’t tempted by sales. Be thrifty, be frugal. And saying goes, be prepared for rainy days.” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.
Noong nakaraang Biyernes, umakyat sa P50 ang palitan ng piso kontra isang dolyar.
Huling nangyari ang naturang antas ng palitan noong taong 2006.
Pinangangambahan na ang mababang halaga ng piso ay magkakaroon ng malaking epekto sa pag-aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa at maging daan ng pagtaas ng halaga ng langis gayundin din sa mga pangunahing bilihin.
Nauna rito, pinaalalahanan ni Bishop Santos ang mga opisyal ng bansa at mga pulitiko na suklian ang pagsasakripisyo ng mga OFW.
Read: http://www.veritas846.ph/pandarambong-sa-ofw-remittances-isang-heinous-crime/
Nakasaad naman sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika na mainam na laging isaalang ang kabutihang pangkalahatan sa anumang paggalaw ng presyo ng pangunahing bilihin.