Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 273 total views

Mga Kapanalig, nakababahala ang pagmamadali ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa Mababang Kapulungan na baguhin ang ating Saligang Batas. Ayon sa kanila, bigô ang kasalukuyang Saligang Batas na ibsan ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay sa ating bayan. Dapat na rin daw itong baguhin upang bigyang-daan ang federalismo, na sa kanilang pananaw ay mas angkop sa ating kalagayan. Nakakuha sila ng kakampi kay Pangulong Duterte, at nais nilang samantalahin ang kanyang kasikatan upang makuha ang suporta ng publiko sa ipinapanukala nilang sistema at porma ng pamahalaan. Ngunit ang Konstitusyon nga ba ang problema o ang mga pinuno nating hindi naging tapat sa Saligang Batas?

Mabuti na lamang at sa Senado, nagkakaroon ng malalim at seryosong talakayan tungkol sa Charter change o Cha-cha. Narinig natin sa mga isinagawang hearing ang opinyon ng mga eksperto sa usaping ito, kabilang ang mga dating mahistrado at mga kasapi ng komisyong nanguna sa pagbubuo ng kasalukuyan nating Konstitusyon. Ayon sa mga tutol sa Cha-cha, sinasalamin ng 1987 Constitution ang hangarin nating mga Pilipino na itatag ang isang demokratiko at makatarungang lipunan matapos ang mahabang panahon sa ilalim ng mapanupil na pamamahala ng diktador na si Ferdinand Marcos. Tiniyak ng komisyong bumalangkas ng Saligang Batas na itataguyod nito ang mga pinahahalagahan nating mga Pilipino, at isusulong nito ang tunay na kaunlaran, kaya nasa puso nito ang katarungan sa lipunan o social justice. Tiniyak ding alam ng taumbayan ang nilalaman ng binubuong Saligang Batas sa pamamagitan ng mga konsultasyon at malawakang pagpapaalám, hanggang sa sang-ayunan ng mayorya ng mga botanteng Pilipino ang umiiral nating Konstitusyon.

Sa tuwing may panukalang baguhin ang ating Konstitusyon—mga limang beses na po ito, mga Kapanalig—nariyan ang ating Simbahan upang magbigay ng gabay sa mga mananampalatayang Pilipino. At sa pamamagitan ng isang pastoral guide na inilabas pagkatapos ng kanilang plenary assembly sa Cebu noong nakaraang buwan, nanindigan ang CBCP na bagamat hindi perpekto ang kasalukuyang Saligang Batas, naaayon sa Mabuting Balita ng Diyos ang mga prinsipyong nakapaloob sa pinakamataas na batas sa ating bansa. Kaya naman, ngayong mainit ang isyu ng Cha-cha, naninindigan din ang ating mga obispong “ang pag-amyenda sa Saligang Batas, na maingat na ginawa para sa kabutihan ng lahat matapos ang panahon ng diktadura, ay nangangailangan ng malawakang pakikilahok ng mamamayan at konsultasyon, ng iisang pagtanaw (o unity in vision), ng bukás na proseso (o transparency), at ng sapat na kahinahunang magbibigay-daan sa makatwirang talakayan.”
Napapanahon ang gabay at pahayag na ito upang bigyang-diin na hindi lamang legalidad o pulitika ang dapat na batayan ng mga talakayan tungkol sa Cha-cha. Pinaaalala sa ating mga pinuno at sa ating mga ordinaryong mamamayan na may mga moral na prinsipyong dapat na isinasaalang-alang sa Cha-cha.
Halimbawa, sa paanong paraan itinataguyod ng panukalang pagbabago sa Saligang Batas ang dignidad ng tao at ang kanyang mga karapatan, gaya nang nakasaad na sa kasalukuyang Konstitusyon? O baka naman mas liliit ang halaga ng buhay ng tao sa ilalim ng bagong sistema?

Ikalawa, nakabatay ba ito sa katotohanan? O binibilog lamang ng mga may interes ang ating pananaw upang sumang-ayon tayo sa Cha-cha at federalismo?

Ikatlo, makahulugan ba ang pakikilahok ng mga mamamayan at napagtitibay ang ating pagkakaisa? O baka naman sa likod ng matatamis na pangako ng pagbabago ay ang mas pagkakawatak-watak natin bilang mga Pilipino at ang pagbuwag sa mga institusyong nagtataguyod ng kalayaan ng mga mamamayan?

Panghuli, makikinabang ba ang lahat sa pagbabago? O interes lamang ng mga makapangyarihan ang iiral?

Mga Kapanalig, timbangin ang mga naririnig natin tungkol sa Cha-cha gamit ang mga batayang inilatag ng ating mga pastol, dahil, gaya rin ng kanilang sinabi, baka ang mas dapat baguhin ay ang kultura ng pulitika sa ating bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 40,034 total views

 40,034 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 51,109 total views

 51,109 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 57,442 total views

 57,442 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 62,056 total views

 62,056 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 63,617 total views

 63,617 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 40,035 total views

 40,035 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 51,110 total views

 51,110 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 57,443 total views

 57,443 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 62,057 total views

 62,057 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 63,618 total views

 63,618 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,635 total views

 43,635 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,297 total views

 66,297 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,873 total views

 71,873 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,354 total views

 77,354 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,467 total views

 88,467 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,466 total views

 84,466 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,168 total views

 72,168 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,650 total views

 80,650 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,709 total views

 73,709 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,633 total views

 80,633 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top