Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 91,854 total views

Mga Kapanalig, ang pagiging bahagi ng gobyerno ay isang bokasyon ng paglilingkod. 

Sa mga panlipunang turo ng Santa Iglesia, maliwanag na ang tinatawag na political authority (o ang kapangyarihang tangan ng mga namamahala) ay dapat gamitin sa paglilingkod sa taumbayan sa pamamagitan ng pagtitiyak sa kabutihang panlahat o common good. Ang Catholic social teaching na Rerum Novarum ay nagpapaalalang ang estado ay may tungkuling ipagtanggol ang interes ng mga pinamamahalaan nilang hindi kayang ipagtanggol ang kanilang sarili. 

Sa pagganap sa tungkuling ito, binibigyan ang ating mga lider ng mga kailangan nila. May opisina at mga gamit sila. May mga tauhan o staff silang katuwang sa araw-araw. Ang iba, may kasama pang security para maging ligtas sila. May mga sasakyan sila para marating ang mga dapat nilang puntahan. 

Ngunit ang mga ito ay dapat gamitin para lamang sa kanilang opisyal na trabaho. Gamitin nating halimbawa ang mga sasakyan. Sa Administrative Order No. 239 na inilabas noong administrayon ni dating Pangulong Gloria Arroyo, ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang pag-aari ng gobyerno para sa mga gawaing hindi official business. Sa madaling salita, hindi pwedeng gamitin ng mga opisyal ng gobyerno ang sasakyang itinalaga sa kanila para sa mga personal na biyahe. Binibigyang-diin sa naturang kautusan na “public office is a public trust” at kaakibat ng prinsipyong ito ang responsableng pangangasiwa at paggamit ng mga gamit ng gobyerno.

Nakalimutan yata ito ni Pangulong BBM.

Kamakailan, inulan ng batikos ang presidente matapos pumunta sa isang concert gamit ang presidential chopper. Malinaw namang hindi official business ang pagpunta sa concert, tama po ba? Paliwanag ng Presidential Security Group (o PSG), nagpasya silang ipagamit ang chopper dahil sa “unforeseen traffic complications.”   Matinding pagsisikip ng trapiko ang kanilang inaasahan dahil sa pagdagsa sa venue ng 40,000 na katao. Banta raw sa seguridad ng ating pangulo kung pupunta siya sa concert nang hindi gagamit ng presidential chopper

Tama nga naman ang PSG tungkol sa trapik. Kahit ang bokalista ng bandang nag-concert ay pinuna ang trapiko sa Kamaynilaan, at pinasalamatan ang mga dumating sa kabila ng kalbaryong iyon. Sinabi niya iyon habang nasa audience ang presidente at ang kanyang pamilyang gumamit ng presidential chopper para makaiwas sa trapik. Ano kaya ang naramdaman ng presidente? Sigurado, mas nainsulto ang ibang nanood ng concert na sinuong ang matinding trapik sa lansangan—hindi sa sinabi ng bokalista kundi sa ginawa ng presidente. Sabi nga ng iba, “sana all” nakakapunta ng concert nang naka-helicopter na ginagastusan ng buwis ng taumbayan.

Ang paggamit ng sasakyan ng gobyerno para sa personal na gawain ay hindi na bago. Hindi lang din ang presidente ang gumagawa nito. Naaalala ba ninyo noong pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte si PBBM dahil ipinahiram sa kanya ang presidential chopper para makauwi sa kanila sa Davao upang patulugin ang kanyang mga anak? (Nilinaw na iyon ng Philippine Air Force. Imposible raw na araw-araw pumupunta sa Davao at bumabalik sa Maynila ang bise presidente.) Ngunit kung nagagawa ng mga nakatataas sa gobyerno na gamitin ang gamit ng taumbayan para sa personal na biyahe, hindi na tayo magtataka kung marami ring ganito sa iba pang opisina ng gobyerno. 

Mga Kapanalig, hindi pribiliheyo ang dapat na hinahanap ng mga taong nagsisilbi sa taumbayan. May suweldo silang natatanggap—at maaaring may iba pang pinagkakakitaan—upang makabili sila ng sariling sasakyan. Hindi natin sinasabing hindi na sila dapat magkaroon ng oras para sa kanilang sarili—katulad ng panonood ng concert. Isaisip lang sana nilang may limitasyon ang kapangyarihan nila at idinidikta iyon ng sinumpaang tungkulin nila na unahin ang taumbayan. Sabi nga sa Lucas 22:26, “ang namumuno ay [dapat] maging tagapaglingkod.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 2,634 total views

 2,634 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 9,757 total views

 9,757 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 16,960 total views

 16,960 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 22,314 total views

 22,314 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 29,920 total views

 29,920 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 2,635 total views

 2,635 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 9,758 total views

 9,758 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 16,961 total views

 16,961 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 22,315 total views

 22,315 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 29,921 total views

 29,921 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 33,764 total views

 33,764 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 73,347 total views

 73,347 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 80,901 total views

 80,901 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 76,784 total views

 76,784 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 88,331 total views

 88,331 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 92,438 total views

 92,438 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 69,335 total views

 69,335 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 69,303 total views

 69,303 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 68,654 total views

 68,654 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

World Humanitarian Day

 62,187 total views

 62,187 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Humanitarian Day. Paano nagsimula ito? Sa araw na ito noong Agosto 2003, o mahigit dalawang dekada na ang nakaraan, 22 na humanitarian aid workers ang nasawi sa pambobomba sa United Nations Headquarters sa Baghdad, Iraq. Limang taon pagkatapos ng trahedyang iyon, idineklara ng United Nations General Assembly ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top