2,907 total views
Gamiting inspirasyon ang pamamagitan ng Mahal ng Birheng Maria upang higit na mapalapit sa Diyos at matulungan ang kapwa.
Ito ang mensahe ni Father Fredel Agatep Rector of the Shrine of the Basilica of Our Lady of Piat at Captain Reverend Father Stephen Simangan – Retired Philippine Coastguard Chaplain sa kapistahan at pagbisita ng imahen ng Nuestra Señora de Visitacion sa Sto.Domingo Chapel Quezon City.
Inaanyayahan ni Father Agatep ang mananampalataya na payabungin ang pananampalataya sa Mahal na Birheng Maria upang mamamagitan sa kanilang mga kahilingan at pananalangin.
“The pilgrim image is brought to Sto.Domingo Quezon City for the Fiesta of Manila Devotees so every year we have this gathering of Devotees here at Sto.Domingo especially for those who cannot go home so we try to reach out to them that’s what Pope Francis wants, to be a church that reaches out to everyone, we ask you to join us and to celebrate with us as we always ask the intercession of the Virgin Mary,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Agatep.
Sinabi naman ni Fr.Simangan na sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria at pananalangin sa kanya ay mapapadali at natural na dadaloy ang mga biyaya sa mga pinakanangangailangan at pinakamahihirap sa lipunan.
Umaasa ang Pari na gamiting inspirasyon ang mahal na Birheng Maria na kailanmay hindi nagkaroon ng pagdadalawang isip na tulungan ang kapwa.
“Huwag mo ng hintayin ang taong nangangailangan ay pumunta sa iyo, iiyak-iyak, manikluhod kapag alam mong siya ay nangangailangan ay agad-agad mo siyang tulungan sa asbot ng iyong makakaya, and if you do that our Mother will be happy for each and every one of us,” pagninilay ni Father Simangan.
Ang kapistahan ng Our Lady of Piat ay idinadaos tuwing July 2 sa Piat Tugegarao City, kung saan dinadala sa unang sabado pagkatapos ng kapistahan ang unang imahen ng Nuestra Señora De Visitacion sa Maynila na araw ng paggunita ng mga taga-Maynila sa kapistahan.
“In 1623 the new chapel or shrine was blessed so this coming December 26 2023 we celebrate the 400th year of the Shrine of Our Lady of Piat and to her, many miracles are attributed by her devotees especially miracles of healing, rain for farmer during time of drought and off course many attribute that the lady help them relieve from their distressed or problems,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Father Agatep.