18,213 total views
Hinimok ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga Pilipino na gamiting inspirasyon si Gat Andres Bonifacio upang mapukaw ang sarili na higit pang makiisa sa kapwang nangangailangan.
Ito ay sa pagdiriwang ng ika-160 kaawaran ng bayani na kilala sa kaniyang pag-ahon mula sa kahirapan at isa sa haligi ng himagsikan para sa kalayaan.
Ayon kay Bishop Alminaza, nakiisa at ipinaglaban ni Bonifacio ang pagkakaroon ng marangal na trabaho at security of tenure ang mga manggagawa.
“Perhaps it is no coincidence that the Catholic Church’s celebration of ‘World Day of the Poor’ falls under the same month when we commemorate the birth anniversary of Andres Bonifacio. For this year, Pope Francis chose the theme “Do not turn your face away from anyone who is poor”, a passage taken from the Book of Tobit, indeed, Bonifacio exemplifies the true instinct of the majority masses who are poor.Following the life and example of Bonifacio, we are admonished to ‘encounter the poor in our midst’ We are called to draw near the poor, to meet their gaze, to embrace them and be in solidarity with them in their struggle for decent jobs, security of tenure, and dignified labor. Bonifacio and the Katipunan’s struggle were fueled by their articulation of the true conditions and aspirations of the masses.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Alaminaza sa Radio Veritas.
Sinabi ng Obispo na siya ring National Chairman ng Church People Workers Solidarity, katulad ni Bonifacio na naging bahagi ng kalipunan ng mga manggagawa sa kaniyang panahon ay naharap din ang bayani sa mga suliranin ng kahirapan, mababang suweldo at hindi pantay na benepisyo.
Ipinagdarasal ni Bishop Alminaza na magsilbing inspirasyon ang bayani upang paigtingin ang mga hakbang na isusulong ang pagpapabuti sa kapakanan ng mga manggagawa higit na ang mga maralita.
“As we commemorate Andres Bonifacio’s 160th birth anniversary, may we be inspired to commit our life towards greater solidarity with the poor. The parable of the Good Samaritan (Luke 10:25-37) reminds us that the calling of every Christian is to become personally involved for whenever we encounter a poor person, ‘we cannot look away, for that would prevent us from encountering the face of the Lord Jesus’ (Pope Francis Message, World Day of the Poor 2023.” ayon pa sa mensahe ni Bishop Alminaza.
Kilala si Gat Andres Bonifacio sa bansag na Father of the Philippine Revolution na isa sa mga bayani ipinaglaban ang kasarinlan ng bansa mula sa pananakop ng mga Espanyol.