452 total views
Gamiting inspirasyon ang muling pagkabuhay ni Hesus upang mapagwagian ang laban sa kasamaan at kadiliman.
Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos ngayong linggo ng pagkabuhay ng Panginoong Hesus.
“He is victorious against death. Jesus overcomes evil, Now with Jesus we will also rise up from sin and death. We can defeat evil. We will triumph against Satan. Yes, we are saved,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.
Ayon sa Obispo, ang ‘Easter Sunday’ ay nananatiling simbolo ng walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan matapos niyang ialay ang kaniyang bugtong na Anak.
“With risen Jesus we see God’s love. Whatever it takes, God will always save us. God will always forgive us. God loves us so much that He sent His Son to us,” ayon pa sa Obispo.
Nawa ayon kay Bishop Santos ay laging ring alalahanin ng bawat mananampalataya na ang pag-aalay ni Hesus ng kaniyang buhay ay nagsilbing pamamaraan din upang makaligtas ang bawat isa mula sa kasalanan.
“With His love for us, Jesus gives His life on the cross to serve us, to save us.
With rise Jesus, we the power and the greatness of God. He conquers sins,” pagbabahagi pa ng Obispo.