8,168 total views
Gamiting ang pamamatnubay ng Our Lady of Caysasay upang maisulong ang kapayapaan sa lipunan.
Ito ang mensahe ni Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles sa misang ppinangunahan sa Immaculate conception parish sa Cainta Rizal kung saan ipinagdiwag ang ika 18 taong anibersaryo ng pagkakatag ng samahan ng Our Lady of Caysasay Marikina Chapter.
Tiwala ang Arsobispo na sa panahon ng pangamba ay patuloy na mamagitan ang Mahal na Birhen Maria sa puso ng bawat isa upang maiwaksi ang digmaan at hindi pagkakaintidihan.
Panalangin din ni Archbishop Arguelles na maisabuhay ng bawat isa ang panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco na isulong ang pagkakaisa at iwaksi na ang sigalot sa lipunan.
“We have a missionary task through Asia and sabi nga ni Pope Francis, maybe and nung 2016 wala ng maybe to the rest of the world, ang nga Filipino are called to be missionary at ang number 1 missionary ay si blessed Mother.Ang blessed mother ay sya ang nagpapakilala thats why ang Saint john paul 2nd the star of 3rd millenium evangelization. So sino ang inaasahan ng Blessed Mother thats why she came to the blessed Caysasay sa Taal she came to Lipa and she came to many places, in order to help us even if we dont see her talagang tayo ay devoted kay blessed mother and kay Caysasay and the holy rosary because the Filipino people,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Arguelles.
Nagpapasalamat naman si Rev Fr.Noeh Elnar na Kura Paroko ng Immaculate Conception Parish Cainta Rizal sa pagpili ng samahan ng Our Lady of Caysasay sa kanilang Parokya upang idaos ang misang iniaalay bilang pagdiriwang sa ika 18 taon selebrasyon sa pagkakatatag sa samahan.
Ayon sa Pari, isang malaking karangalan ang padaraos sa kanilang parokya ng misa dahil sa kaniyang unang Parokya noon sa Immaculate conception parish sa Marikini ipinagdiwang ang unang pagbisita ng imahen ng Our Lady Of Caysasay.
Sinabi naman tagapangulo ng samahan na si Bro Vicente Raguero, nawa sa pamamagitan ng kanilang debosyon ay higit pang mapalalim ang pananampalataya ng mamamayan sa Panginoon sa pamamatnubay ng Mahal Na Birheng Maria.
Ito ay upang mapalawig pa at higit na mapalaganap ang mabuting balita ng Panginoon.
“Dapat talaga naka focus, kasi si Mama Mary naman ang palagi nyang sinasabi Im always behind my son, its always my son, So dapat maging tunay tayo na mananampalataya sa dios yung trust and faith ang kailangan sa tao. Kasi kung wala ang trust and faith, hindi mabubuo yun hindi ka makakaranas ng kapangyarihan ng panginoon
Itinampok sa pagdiriwang ang pagdarasal ng Santo Rosaryo, pagputong ng korona at pagprusisyon sa imahe,” ayon naman sa panayam kay Bro Arguero.
1603 ng malambat ang imahen ng Our Lady of Caysasay ng mangingisdang si Juan Maningkad sa Taal Batangas Pansipit River na nawala ng matagal na panahon at taong 1611 lamang muling nakita.