660 total views
Ang kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria ay bahagi ng plano ng Panginoon para sa pagsasakatuparan ng pangakong kaligtasan ng sangkatauhan.
Ito ang bahagi ng pagninilay ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa misang isinagawa sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa paggunita ng Simbahang Katolika sa Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.
Ayon sa Obispo, mahalagang gunitain ang pagsilang sa Mahal na Birheng Maria na naging daan upang maisakatuparan ang pangakong kaligtasan at buhay na walang hanggan sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbibigay buhay kay Hesus.
“The whole church celebrates the Nativity of Our Lady, this celebration of the nativity of Our Lady is something that we should be happy of because of Our Lady, the Blessed Mother when she was born it was also part of the whole plan of God for our redemption. Let us thank Our Lady, because of her faithful obedience we were also able to benefit to all the blessings particularly the internal life.” pagninilay ni Bishop Florencio.
Hinimok ng Obispo ang lahat na patuloy na hilingin ang paggabay ng Mahal na Ina sa paglalakbay bilang isang pamilya, komunidad at nagkakaisang Simbahan.
Ipinaliwanag ni Bishop Florencio na mas higit na makabuluhan ang paglalakbay sa buhay ng may kasama at gabay lalo’t higit ang Mahal na Birheng Maria na matapat na tagasunod sa kaloob ng Panginoon Maykapal.
“Let us ask Our Lady today as we celebrate her nativity, her birthday let us ask her to guide us, sabayan tayo, gabayan niya tayo dito sa ating paglalakbay as a Church, as a community, as a family we are into this journey, we are synodal church, a journey in church. Hindi po maganda na sa paglalakbay natin mag-isa lang tayo, maganda na may kasama tayo lalong lalo na ang Mahal na Ina, the Blessed Mother.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.
Unang binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malalim na debosyon sa Mahal na Ina ng mga kawani ng pwersa ng pamahalaan na humaharap sa iba’t ibang delikadong misyon at mandatong protektahan at tiyakin ang kaligtasan ng taumbayan.
READ: