398 total views
Sinasalamin ng pagtrato ng mga mayayaman at mamumuhunan sa mga manggagawa ang estado ng katarungang panlipunan at uri ng sambayanan na mayroon ang isang bansa.
Ito ang bahagi ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples kaugnay sa naaangkop na pagbibigay dignidad at halaga sa mga manggagawa na malaki ang ambag para sa paglago ng negosyo at pangkabuuang ekonomiya ng bansa.
Ipinaalala ng Cardinal na mahalaga ang pagninilay at pagsusuri ng bawat isa sa paraan ng pakikitungo at pakikisalamuha sa kapwa hindi lamang bilang kasapi ng Simbahan kundi bilang bahagi ng lipunan.
“You [rich people] live in luxury and pleasure and you forget the needs of others, you promote your group, your interest, your profit and you failed to see how the spirit wants to uplift the dignity of others. So this has implications on social justice and the type of society that we have, so examination of conscience talaga whether inside the church or our behavior in society.” Ang bahagi ng pagninilay ni Cardinal Luis Antonio Tagle.
Ayon sa Cardinal mahalagang pagnilayan lalo na ng mga mayayamang mamumuhunan ang paalala ni St. James na pagtrato ng patas at naaangkop sa mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng nararapat na sahod o kita katumbas ng kanilang paggawa upang mabuhay ng may dignidad ang kanilang pamilya.
“St. James reminds the rich the wealthy especially those who have people who worked for them, how to look at them, do you look at your workers as brothers and sisters, do you look at them as human beings with dignity, do you look at them as brothers and sisters in Christ, why do you withhold their rightful, their just wages.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Kaugnay nito, batay sa panlipunang katuruan ng Simbahan, sinasabing ang pag-unlad sa ekonomiya ng bansa ay ang pag-alwan ng buhay ng mga mahihirap at pagtiyak sa panlipunang katarungan at benepisyo ng pantay-pantay upang lumiit ang pagitan ng mahirap at mayaman.