24,061 total views
Ito ang mensahe ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Epicopal Commission on Ecumenical Affairs (CBCP-ECEA) at National Council of Churches in the Philippines (NCCP) bilang bahagi ng pagdiriwang sa 2024 Week of Prayer for Christian Unity mula Enero 18 hanggang 25.
Sa unity statement na nilagdaan nina CBCP-ECEA chairman, Lucena Bishop Mel Rey Uy at NCCP general secretary Minnie Ann Mata-Calub, hinimok ang lahat ng Kristiyanong mananampalataya na patuloy na ipadama ang pag-ibig sa Diyos at kapwa sa gitna ng iba’t ibang krisis na nangyayari sa lipunan.
Tema ngayong taon ang “You shall love the Lord your God… and your neighbor as yourself” na hango sa ebanghelyo ni San Lukas.
“In today’s time of fragmentations, wars, strife, and environmental destruction, this mandate is even extended to the whole created earth… This call unites all Christians to commit themselves to praying and working together for long-lasting peace within and among our ‘kapwa’ and the entirety of creation.” ayon sa unity statement ng CBCP-ECEA at NCCP.
Tiniyak naman ang CBCP-ECEA at NCCP na patuloy na itataguyod ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo at negosasyon.
Gayundin ang pagsasabuhay sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na sa kabila ng pagkakaiba ng lahi, paniniwala, at tradisyon ay sama-samang pangalagaan ang kalikasan—ang nag-iisang tahanan, upang patuloy na maibahagi ang pag-asa lalo na sa susunod pang henerasyon.
“In our united discernment, we are moved to place love at the center of our quest for peace and reconciliation. In the context of our nation, this quest leads us to stand for truth in times of misinformation, firm conviction in times of corruption, a shared sense of humanity in times of hunger and economic strife, peace based on justice and reconciliation in times of war, and compassion for our threatened environment. Faced with these realities, the imperative to witness the love of God becomes even more pressing.” ayon sa CBCP-ECEA at NCCP.
Pinangunahan naman ni Bishop Uy ang Ecumenical Liturgical Service bilang pagtatapos ng Week of Prayer for Christian Unity sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati City noong Enero 24.
Unang hiniling ni Pope Francis sa mananampalataya na ipanalangin ang bawat kristiyano na sa tulong at gabay ng Panginoon ay manahan ang Banal na Espiritu na magbibigay liwanag sa kaisipan ng tao.
1948 kasabay ng pagtatatag sa World Council of Churches ay sinimulang ipagdiwang sa buong mundo ang walong araw na Week of Prayer for Christian Unity.