236 total views
“Give thanks to the Lord for He is good, His mercy endures forever.”
Ito ang binigyang diin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pinangunahan nitong “thanks giving mass” sa Manila cathedral para sa buong Archdiocese of Manila.
Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na magpasalamat sa Panginoon sa kabila ng anumang pinagdaraanan sa buhay.
Inihayag ni Cardinal Tagle na ito ang nagpapatunay ng pag-ibig ng Diyos sa mananampalataya na mananatili magpakailan pa man.
“In all circumstance give thanks, for this is the will of God for you in Christ Jesus. Give thanks through Christ then we will learn the true meaning of Christ giving.”pahayag ni Cardinal Tagle
Samantala, sa huling bahagi ng banal na misa, pinasalamatan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo si Cardinal Tagle sa kanyang pagpapastol sa Archdiocese of Manila.
Tiniyak nito ang arsobispo sa kanilang mga panalangin at ipinaalala sa kardinal na lagi siyang may mauuwiang tahanan sa archdiocese of Manila.
Ipinagdasal din ng lahat ng mga mananampalataya mga pari, obispo at arsobispong dumalo sa thanks giving mass si Cardinal Tagle.
Lubos naman ang pasasalamat ni Cardinal Tagle sa mga obispo, kasama na si Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, mga pari, relihiyoso at relihiyosa maging sa mga komisyon, at sa lahat ng mga organisasyon na nagpahayag ng suporta, pasasalamat at pagmamahal para sa kan’yang bagong misyon bilang Prefect of the Congregation of the Evangelization of Peoples.