Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Giyera kontra droga, giyera kontra mahirap

SHARE THE TRUTH

 392 total views

Mga Kapanalig, sa pagbasura ng Department of Justice o DOJ sa mga kaso laban sa mga umano’y big time druglords, tumibay ang paniniwala ng maraming ang kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte ay may kinikilingan at may pinoprotektahan. Para sa iba, hindi na kagulat-gulat ang ginawang ito ng DOJ. Paraan daw ito ng paggantimpala sa mga taong pilit na iniugnay ang senadorang kritiko ng pangulo hanggang sa ito nga’y makulong. Paraan din daw ito ng pagbabalik ng pabor sa mga kaibigan, kumpare, at campaign contributor ng pangulo kahit pa ang mga ito’y tinawag niyang drug lord at minsang pinagbantaang papatayin.

Katwiran ng DOJ, kulang daw ang ebidensyang nakalap upang patunayang sangkot ang mga kinasuhan sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa. Ito ay sa kabila ng pag-amin sa isang pagdinig ng isa sa kanila na isa siyang drug dealer. Maaari ring tanungin: talaga bang naghanap ng ebidenysa ang ahensyang dapat gumawa nito?
Samantala, patuloy ang ating kapulisan sa pagsuyod sa mga mahihirap na pamayanan upang hanapin ang mga sinasabing gumagamit at nagtutulak ng droga. At alam naman po nating kahit walang ebidensya, basta’t nasa watchlist ang kanilang pangalan, maaaring target ang sinuman sa tuwing may raid, maaaring pasukin ang bahay kahit walang search warrant, at maaaring dakpin kahit walang warrant of arrest. Ang masaklap pa, ang mga napapatay, dahil daw nanlabán, ay tinataniman ng ebidenysa upang palabasing guilty.

Sinasalamin ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte ang baluktot na uri ng katarungan sa ating bansa. Kung mayaman at maimpluwensya ka, nariyan ang proseso ng batas para iyong mapakinabangan, at masuwerte ka pa kung may kilalá ka sa pamahalaan dahil baka maabswelto ka pa. Kung mahirap ka naman, walang prosesong kailangang pagdaanan ang mga tagapagpatupad ng batas, at pasensya ka kung mabulok ka sa bilangguan kahit walang kaso, o kahit pa mapatay ka sa harap ng iyong mga mahal sa buhay. Hanggang ngayon, wala pa tayong nakikitang malaking drug lord na nakukulong o naparurusahan, samantalang dumanak na ang dugo ng mahigit 10,000 Pilipino—karamihan sa kanila’y mahihirap—bunsod ng brutal na “war on drugs.” Ngunit lalo pang tumingkad sa ginawang ito ng DOJ na ang giyera kontra droga ay giyera kontra mahihirap. Nakalulungkot na marami pa rin sa atin ang pinipiling magbulag-bulagan sa katotohanang ito, at marami ang nagbibingi-bingihan sa daing ng mga pamilya ng mga maralitang biktima.

Isa ang katarungan o justice sa mga tinatawag natin sa Simbahan na “fundamental values of social life”, mga saligang pinahahalagahan natin bilang bahagi ng lipunan. Nakaugat ang katarungan sa dignidad ng tao, at kasama ng katotohanan, kalayaan, at pag-ibig, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang tao na palaguin ang kanyang sarili. Kung hindi tunay na katarungan ang umiiral, mabibigo rin tayong lahat na bumuo ng isang makataong lipunan. Dagdag pa ng mga panlipunang turo ng Simbahan, hindi lamang nakabatay sa kung ano ang nakasaad sa batas ang pagiging makatarungan kundi sa angking pagkatao ng bawat isa sa atin.

Mga Kapanalig, sinabi noon ni Pangulong Ramon Magsaysay, “He who has less in life should have more in law.” Ang mga aba, aniya, ay dapat na magkaroon nang higit sa batas. Hindi ito pagbibigay ng pribilehiyo sa mahihirap kundi pagkilala sa kanilang dignidad na ninanakaw ng kahirapan at kawalan ng katarungan. Ngunit, sa itinatakbo ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte, malinaw na ang mga mahihirap ang pinagkakaitan ng katarungan. Huwad ang katarungang ipinapangako ng marahas na pagtugis sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Huwad ang katarungan kapag malaya ang mga nasa poder na protektahan ang iilan, lalo na ang mga malapít sa kanila, ang mga maimpluwensya sa lipunan, o ang mga may sinasabi sa buhay.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 25,182 total views

 25,182 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,838 total views

 39,838 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,953 total views

 49,953 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 59,530 total views

 59,530 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,519 total views

 79,519 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 25,183 total views

 25,183 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,839 total views

 39,839 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,954 total views

 49,954 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 59,531 total views

 59,531 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,520 total views

 79,520 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,222 total views

 48,222 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,247 total views

 43,247 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,816 total views

 46,816 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,271 total views

 59,271 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,338 total views

 70,338 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,657 total views

 76,657 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,268 total views

 81,268 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,828 total views

 82,828 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,389 total views

 48,389 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,362 total views

 69,362 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top