Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Global Challenges o mga Pandaigdigang Hamon

SHARE THE TRUTH

 1,371 total views

Kapanalig, ayon sa World Economic Forum (WEF), may limang pangunahing hamon o key challenges ang sandaigdigan ngayon.

Dalawa sa mga hamon na ito ay may kaugnayan sa ekonomiya. Mas kailangan na, kapanalig, na gawing mas masigla ang pagbuhay at pag-angat ng mga ekonomiya ng mga bansa ngayon. Mas lumalawak na ang income disparity o hindi pagkapantay pantay hindi lamang sa ating bansa, kundi sa maraming bansa sa buong mundo. Naging mas mahirap pa ito tugunan ngayon dahil ang “mood’ o political climate sa maraming mga bansa, ayon sa WEF, ay “anti-establishment populism.” Ramdam ito sa ating bansa, kapanalig. Ang karamihan sa ating mga demokratikong institusyon ay tila sinusubukan ngayon, at hindi na kasing lakas o kasing lawig ang suporta sa mga ito. Ang pangalawang hamon: kailangan na nating suriin ang merkado at lipunan. Gaano ba tayo naging “inclusive” bilang isang bansa?
Kaugnay ng pagsusuri na ito ang ang susunod na hamon sa ating daigdig: ang identity at community, o pagkakilanlan at komunidad. Sa buong mundo kapanalig, nagbabago ang mga pananaw at ugali mula sa indibidwal na lebel hanggang sa malawakang lipunan. Ang ating mga depinisyon ng kasarian, lahi, kulay, relihiyon, pati politika ay nagbabago. Marami na ang nalilito. Nagkakaroon, ayon sa WEF, ng “cultural schisms.” Mas lalo tayong kumakalas sa isa’t-isa kapanalig, sa halip na maghawak kamay at sabay sabay iangat ang buhay ng kapwa.

Sa gitna ng pagbabago na ito, ang teknolohiya ay nagdadala rin ng mga bagong inobasyon na bumabago rin ng ating buhay. Ito ang pangatlong hamon. Paano ba natin mapapamalakaya at magagamit ang teknolohiya upang payabungin ang buhay ng tao? Sa ngayon, ang kapangyarihan ng teknolohiya ay tila parehong regalo at sumpa. Ang mga global-wide virus at ransomware attacks, ang hacking, at iba pa, ay malaki ang banta sa buhay at kabuhayan ng tao. Kaya nitong sirain ang ilang taon ng pagsasa-ayos ng mga procedures at sistema ng mga organisasyon at ahensya. May kontrol rin ang teknolohiya sa takbo ng pera.
Ang mga isyung pangkalikasan ay isa rin sa mga pangunahing hamon ng maraming mga bansa ngayon. Handa ba tayo, kapanaig, sa climate change? Kaya ba nating harapin ang mga pagbabagong dala nito sa ating weather patterns? Maliban sa climate change, kamusta na ang ating karagatan, ang hangin, at ang lupa? Tatagal pa ba sila ng maraming panahon, o matatabunan na lamang sila ng ating mga basura?
Ang global na kooperasyon ay panglima sa mga hamon na hinaharap ng mga bansa ngayon. Nagkakaisa pa ba ang mga bansa ng mundo? May mga pamantayan ba tayong sinusundan at nirerespeto na gumagabay sa ating pakikisalamuha at pakikipag-ugnay sa isa’t isa?
Kapanalig, ayon nga sa Laudato Si, tayo ay isang pamilya, at iisa ang ating tahanan. Ang lahat ng hamon na ito ay hamon sa atin bilang isang pamilya. Sa gitna ng lahat ng pagbabago at ng mga problema, magsasama sama nawa tayo. Iisa lamang ang ating mundo. Magkakaiba man tayo, iisa lamang ang ating pamilya. Nawa’y tayo’y magkaisa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 49,317 total views

 49,317 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 60,392 total views

 60,392 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 66,725 total views

 66,725 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 71,339 total views

 71,339 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 72,900 total views

 72,900 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Veritas Team

Bantayan—at ipagdasal—ang bagong pinuno ng PhilHealth

 3,614 total views

 3,614 total views Mga Kapanalig, sa ilalim ng Section 14 ng Universal Health Care Law, malinaw na nakasaad na ang presidente at chief executive officer ng PhilHealth ay dapat na may hindi bababa sa pitong taóng karanasan sa larangan ng public health, management, finance, at health economics. Ngunit mismong ang bagong talagáng pinuno ng PhilHealth na

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Weeds Among the Wheat: A Parable of Our Struggles

 1,505 total views

 1,505 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XVI-A, 23 July 2017 Wisdom 12:13,16-19//Romans 8:26-27//Matthew 13:24-43 There is no doubt among us believers of God’s power and might, of His immense love and goodness, of His wisdom and knowledge of everything. But when we observe how things are going on in the world

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Parable of the Sower, A Parable of Our Life In Christ

 1,243 total views

 1,243 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XV-A, 16 July 2017 Isaiah 55:10-11//Romans 8:18-23//Matthew 13:1-23 Starting today we get into the heart of Jesus Christ’s preaching, the parables. In St. Matthew’s gospel account, chapter 13 constitutes a well-defined structure of a collection of parables referred to as “Discourse on Parables” from which

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

God-Centered Life

 1,182 total views

 1,182 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XIV-A, 09 July 2017 Zechariah 9:9-10//Romans 8:9,11-13//Matthew 11:25-30 You must be so familiar with our Gospel today where Jesus calls us to “Come to me, all you who labor and are burdened, and I will give you rest.” (Mt.11: 28) Often described as the “sweetest

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Mga Migranteng Muslim

 1,040 total views

 1,040 total views Mgab Kapanalig, ang mahal na Santo Papa ay muli na namang nag pamalas ng isang napakagandang aral nang siya ay tumungo sa isla ng Lesbos sa bansang Greece. Dinalaw niya ang mga migrante na nasa isang “refugee camp.” Doonsa Lesbos ay nakisalamuha siya sa mga migranteng mula sa Syria, silang mga lumisan dahil

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top