221 total views
Opisyal ng nagsimula ang Global Week of Action na isa sa pinakamahalagang bahagi ng dalawang taong programa ng Caritas Internationalis na Share the Journey Campaign.
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Presidente ng Caritas Internationalis ang pagbubukas ng Global Week of Action 2018 (GWA18) sa pamamagitan ng isang banal na misa sa Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz sa Binondo o mas kilala bilang Binondo Church.
Sa unang bahagi ng opening activity ng Global Week of Action ay nagsagawa nang Chinese-Catholic Migrant Encounter na may temang “The Filipino-Chinese Migrant Blood A Culture of Encounter” kung saan inilahad ni Rev. Fr. Andy Lim, Rector at Parish Priest ng Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz ang kasaysayan at pagsisimula ng pagdating at pananahan ng mga Chinese migrants sa Pilipinas partikular na sa Binondo dahil sa kalakalan.
Nagkaroon rin ng pagbabahagi ng testimonsya mula sa isang Chinese migrant na nagpaabot ng pasasalamat sa buong pusong pagtanggap ng mga Filipino sa mga Chinese.
Inihayag ni Cardinal Tagle sa kanyang homiliya na ang Global Week of Action na nagsimula noong ika-17 at magtatapos hanggang sa ika-24 ng Hunyo ay ang patuloy na tugon sa panawagan ni Pope Francis na nagsimula ng inilunsad ang share the journey campaign noong nakalipas na taon.
“Today, we are opening the Week of Action which is endorse by Pope Francis called “Share the Journey”, makibahagi sa paglalakbay. This is the program of Pope Francis and Caritas regarding a humane encounter, personal encounter with migrants all over the world especially forced migrants.” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.
Ayon kay Cardinal Tagle, may 65-million forced migrants na naglalakbay sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na walang katiyakan kung sino ang may mga buong pusong tatanggap sa kanila.
Sa bilang na ito ay mayroong humigit kumulang 10-million na mga Pilipino migrants na nasa iba’t-ibang bansa na nagta-trabaho at naninirahan upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas.
“Now we have 65 million people who are walking, who are sailing often in dangerous circumstances and they do not know whether there are people who will welcome them. Every day we hear reports, we see images and we Filipinos we know there are, they say around 10 million Filipinos who have also migrated to other lands.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Dahil ditto, patuloy ang panawagan ng Caritas Internationalis at ng Santo Papa Francisco na isulong ang ganap na pagtanggap at pakikipag-ugnayan ng bawat isa sa mga migrants at refugee mula sa iba’t ibang panig ng mundo partikular na ang mga napipilitang lumikas sa kanilang mga sariling tahanan dahil sa kaguluhan, karahasan, kahirapan at higit sa lahat ay digmaan.
“We have the right to migrate, to live where we want to live but many people in the world are force to migrate, they go to countries, to other places because of poverty, because of violence, because of hunger, because of lack of work, because of conflicts, because of environmental distraction.” pahayag ni Cardinal Tagle
Iginiit ni Cardinal Tagle na ang 65 million na mga migrants na kanyang tinukoy ay hindi lamang basta mga numero kundi ito ay mga tao na nangangailangan ng gabay at pag-suporta upang patuloy na makapamuhay ng may dignidad.
Kaugnay nito, inulit ni Cardinal Tagle ang panawagan ng Simbahan sa lahat ng bansa na maging mapagpakumbaba.
Ayon kay Cardinal Tagle, mahalagang tanggapin ang bawat isa ang mga dayuhan o mga migrants sapagkat ang bawat isa ay mayroong pagkakaibaiba at dahil dito ay mas nagiging makulay ang buhay ng bawat kumunidad at ng lipunan.
“There are 65 million forced migrant and Pope Francis and Caritas is inviting all of us, go encounter a stranger, meet a stranger person to person, welcome, promote human dignity, protect their lives, their rights and help integrate them into the community and he invites the migrants, be productive in the country that accepts you, learn the culture and be good citizens, add to the stability of your new home.” Apela ni Cardinal Tagle.
Tinukoy din ni Cardinal Tagle ang pagiging ehemplo ni San Lorenzo Ruiz na isang Filipino Chinese na isang magandang huwaran sa resulta ng pagtatagpo ng dalawang kultura at sumisimbulo sa pagkakaroon ng magandang pakikipag-ugnayan.
“We are happy that we are inaugurating this week in this Basilica of San Lorenzo Ruiz who is a Chinese-Filipino the meeting of two cultures can produce a saint” Ayon pa kay Cardinal Tagle.
Ang Global Week of Action na nagsimula noong ika-17 hanggang ika-24 ng Hunyo sa mismong World Refugee Day ay ang patuloy na kampanya ng Caritas Internationalis sa lahat ng Caritas organization sa buong mundo para isulong ang pagkakaisa bilang iisang pamilya at ang pagmamalasakitan ng bawat isa sa mga migrante.
Ang Caritas Internationalis na siyang social-action arm ng Simbahang Katolika na mayroong higit 160-kasapi sa iba’t ibang bansa.