1,640 total views
Kulang ang programa ng pamahalaan para labanan ang malubhang kahirapan sa bansa.
Ito ang pagninilay ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa survey ng Social Weather Station na 44-porsiyento pa rin ng mga Filipino ang naghihirap sa unang quarter ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Bishop Bagaforo, kulang at dapat mag-focus ang pamahalaan sa pagbuo ng trabaho at oportunidad sa bansa upang umangat ang kabuhayan ng mga Filipino.
Naniniwala ang Obispo na ang resulta ng survey ay wake-up call sa gobyerno para hikayatin ang mga dayuhang mamumuhunan upang makalikha ng maraming trabaho sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.
Inirekomenda ng Obispo na dapat tutukan at gastusan ng pamahalaan ang mga infrastructure project upang makabuo ng trabaho gayundin ang pagprayoridad sa exportation ng mga produktong pang-agrikultura ng bansa.
Pinuna din ng Obispo ang kabiguan ng bagong administrasyon ang laganap na katiwalian sa bansa kung saan napupunta ang pondo sa bulsa ng iilan kaysa sa taumbayan.
“Kaya nga po 44% pa sa Filipinos are poor! Kulang sa government focus on job generation & opportunities, more investors are needed to make jobs available, more government spending on infrastructure to generate employment & ikot ang pera. Aggressive efforts on exporting agricultural products,total eradication of corruptions, nandiyan pa rin”. pahayag ni Bishop Bagaforo.
Lumabas sa SWS survey na 10-milyong pamilyang Filipino ang nagsasabing sila ay mahirap sa ikaapat na quarter ng taon na may kabuuang 44-na porsiyento o 7.7-milyong pamilya ang nagugutom.