286 total views
Nanindigan ang Federation of Free Workers na hindi pa rin natututo ang pamahalaaan sa mga pagkukulang nito kung kayat mataas pa rin sa 11.2-milyon ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho.
Ayon kay F-F-W president Atty. Jose Matula, dapat nang magkaroon ng industriyalisasyon o manufacturing services ang bansa na tanging ang gobyerno ang makapagbibigay dahil sa kanilang hawak na malaking resources.
“Palagay ko kapag hindi natin natutukan yung ating problema sa trabaho ay tuloy-tuloy na aakyat itong ating umemployment. Napaka-importante dito ang papel ng ating gobyerno sapagkat sila yung may resources at sila yung makapag-lead para magkaroon ng magandang trabaho ang ating mga mamamayan. Kung tuloy ang sistema natin na walang industriyalisasyon ay hindi tayo makaasa dun sa service industry na siyang sagot para sa dumarami nating populasyon.pahayag ni Matula
Kumbinsido si Matula sa pagdami ng bilang mga walang trabaho sa bansa dahil walang malinaw na structural changes na ipinatutupad ang pamahalaan hinggil sa pagbibigay ng oportunidad sa trabaho.
Ikinatwiran ni Matula na nakatuon lamang ang kasalukuyang administrasyon sa pagtupad sa pangakong tuldukan na ang ENDO o contractualization sa bansa na hindi pa rin naisasakatuparan.
Kulang sa focus
Iginiit din ng mga lider ng Simbahan na kulang sa focus ang administrasyong Duterte para labanan ang kahirapan sa bansa.
Read: http://www.veritas846.ph/gobyerno-kulang-ang-focus-sa-paglaban-sa-kahirapan/
http://www.veritas846.ph/simbahan-sa-gobyerno-tutukan-naman-ang-paglikha-ng-poverty-alleviation-programs/
Sa pinakahuling survey ng S-W-S, 11.2-milyong mga Filipno ang wala pa ring trabaho mula noong huling quarter ng 2016 hanggang sa kasalukuyan.