Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gobyernong ginagawang mangmang ang mamamayan?

SHARE THE TRUTH

 436 total views

Mga Kapanalig, ang huling bahagi ng taon ang panahon kung kailan binubusisi ng mga mambabatas ang pambansang badyet o ang National Expenditure Program. Kinikilatis nila kung ang mga pinagkakagastusan ng gobyerno ay naaangkop sa mahahalagang pangangailangan ng mga mamamayan. Sa katunayan, ang pagbusisi at pagpasá ng pambansang badyet ay ang pinakamahalagang tungkulin ng Kongreso sa ilalim ng ating Saligang Batas.

Sa pagrepaso sa badyet na isinumite ng ehekutibo, natuklasan ni Senadora Pia Cayetano ang pagbabâ ng badyet ng mga state universities and colleges (o SUCs) ng higit 14 na bilyong piso. Alam nating ang karamihan sa mga nag-aaral sa mga SUCs ay mga mahihirap na estudyanteng ang tanging pag-asang makakuha ng mabuting edukasyon ay sa pagpasok sa mga SUCs. Ayon sa mambabatas, 75 SUCs, kabilang ang ilang medical schools katulad ng UP Manila, ay malaki ang nabawas sa kanilang capital outlay o ang gastusin para sa mga pasilidad at kagamitan. Maging ang UP Philippine General Hospital (o PGH) ay binawasan ang pangkalahatang badyet ng 130 milyong piso.

Sa kabilang banda, lumaki naman ang intelligence funds ng ilang opisinang hindi malinaw kung bakit mangangailangan ng ganitong pondo. Partikular na natukoy ni Albay First District Representative Edcel Lagman ang Office of the Vice President, na bibigyan ng intelligence funds na 500 milyong piso, at ang Department of Education, na tatanggap naman ng 150 milyong pisong intelligence funds. Ang dalawang opisina ay pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte.

Ang mahirap sa intelligence funds, hindi obligado ang mga opisinang tumatanggap nito na ipaliwanag ang detalye kung saan ginagastos ang pondong ito. Dahil dito, hindi nabubusisi kung makabuluhan ba ang pinupuntahan ng pera ng bayan. Samantala, mayroong mga malinaw na pangangailangan ang ating mga unibersidad na naghuhubog at nagsasanay ng ating mga kabataan upang maging mahusay na mga manggagawa, propesyonal at lingkod-bayan, ngunit kapos naman ng pondo ang mga ito.

Ito ay isang sitwasyon kung saan dapat nagsasalita ang taumbayan dahil kapakanan natin ang nakataya. Sa isang banda, ang pondo ng mga unibersidad ay ginagamit upang maging mas maalam at mapanuri ang mga kabataan. Sa kabilang banda, ang intelligence funds ay itinatago naman kung saan ginagamit. Hindi ba’t malinaw na mas dapat gawing matalino at mapanuri ang mga mamamayan kaysa gamitin ang pondo ng bayan sa mga bagay na ikinukubli sa taumbayan? O baka naman talagang pakay ng mga nakaupo sa gobyernong gawing mangmang ang mga mamamayan, lalo na ang kabataan, upang hindi sila nagsusuri at nagtatanong.

Nakalulungkot kung ang bagay na ito ay patuloy na umiral sa ating bayan. Unti-unting ginagawang mangmang ang taumbayan nang lingid sa kanilang kaalaman. At ito ay magpapatuloy habang walang kumikibo. Mabuti pa ang bulag na si Bartimeo na tinanong ni Hesus, “Ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo?” Sumagot siya, “Panginoon, ibig kong muling makakita.” Ilan sa atin ang gustong makakita sa tunay na nagaganap sa ating lipunan? Ilan sa atin ang may lakas ng loob na busisiin, unawain, at ibunyag kung may mga ‘di makatuwirang ginagawa ang mga nasa gobyerno?

Mga Kapanalig, tunay ngang hindi madali ang pagsunod sa Panginoon sa gawain ng pagpapairal ng katarungang panlipunan sa Kaharian ng Diyos. Sinasabi sa Catholic social teaching na Quadragesimo Anno, ang Estado ay ginagawaran ng responsibilidad na tiyaking ang lahat ay nakatatanggap ng nararapat na bahagi ng yaman ng lipunan upang matugunan ang kanilang pangangailangan at pag-unlad bilang tao. Samakatuwid, isang sagradong gawain ang makisangkot tayo sa pagbusisi sa badyet ng gobyerno. Ito ang paraan na masisigurong ang pinakanangangailangan ay makatatanggap ng nararapat nilang bahagi sa kaban ng bayan, lalo na para sa edukasyon na siyang susi sa pag-unlad ng sarili, pamilya at bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 26,727 total views

 26,727 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,383 total views

 41,383 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,498 total views

 51,498 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,075 total views

 61,075 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,064 total views

 81,064 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 26,728 total views

 26,728 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,779 total views

 2,779 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,384 total views

 41,384 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,499 total views

 51,499 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 61,076 total views

 61,076 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,065 total views

 81,065 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,365 total views

 48,365 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,390 total views

 43,390 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,959 total views

 46,959 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,414 total views

 59,414 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,481 total views

 70,481 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,800 total views

 76,800 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,411 total views

 81,411 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,971 total views

 82,971 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,532 total views

 48,532 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top