177 total views
Mapapanood na ang mga programa ng TV Maria sa CIGNAL Cable simula ngayong araw na ito, ika-29 ng Marso, 2018, Maunday Thursday.
Ayon kay Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng TV Maria, ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng Simbahan na mapalawak pa ang naaabot ng Mabuting Balita, lalo na ng mga programa sa telebisyon na nakapagbibigay inspirasyon at pag-asa sa mga mananampalataya.
Mapapanood din live sa TV Maria at Cignal ang Chrism mass na katatampukan ng “Washing of the feet” ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng mga migrant at displaced persons.
Read: Archdiocese of Manila – Office of Communications
Ang CIGNAL Cable Television ay mayroong halos 2-milyong subscribers sa buong bansa at itinuturing na most subscribed Pay-TV provider sa Pilipinas.
Bukod sa CIGNAL Cable Channel 102, mapapanood din ang mga programa ng TV Maria sa Sky Cable Channel 210, www.tvmaria.ph at sa Facebook @tvmariaphils.