Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Government-sponsored smuggling?

SHARE THE TRUTH

 424 total views

Mga Kapanalig, kinuwestyon ni Senadora Risa Hontiveros ang plano ng Sugar Regulatory Administration (o SRA) na ibenta sa mga Kadiwa stores ng gobyerno ang mga nakumpiska nitong smuggled na asukal. Hindi bababa sa 4,000 metriko toneladang smuggled na asukal ang gustong ipagbili ng SRA sa halagang 70 piso bawat kilo.1  

Tanong ng senadora mula sa oposisyon: “bakit pagkakakitaan pa ang galing sa iligal?” Ang mas ipinagtataka pa niya, bakit daw mas mataas pa ang presyong ipapataw sa ipinuslit na asukal gayong mura naman itong mabibili mula sa ibang bansa. Halimbawa, kung ang inaangkat na asukal mula sa Thailand ay nasa halos 65 piso lamang, bakit gagawin itong 70 piso sa mga Kadiwa stores? Salungat daw ito sa layunin ng mga Kadiwa stores na mag-alok ng mga produkto sa mas abot-kayang halaga. Parang pinagkakitaan pa raw ng gobyerno ang smuggled na asukal. Dagdag pa ni Senadora Hontiveros, bagamat tutol siyang sirain ng Bureau of Customs ang ipinuslit na asukal gaya ng ginagawa nito sa mga nasasabat na smuggled goods, hindi rin tamang ibenta ito ng gobyerno sa mas mahal na presyo. Mas mainam pang ipamigay ang asukal sa mga kababayan nating nangangailangan o biktima ng mga kalamidad na tinutulungan naman ng DSWD.2 

Sa huli, pagdidiin ni Senadora Hontiveros, ang mas dapat sugpuin ng gobyerno ay ang aniya’y pribadong kartel na tila ba sinasamantala ang pagpabor sa kanila ng pamahalaan. Binubuo raw ng tatlong importers ng asukal ang kartel na ito, at sinasabing may koneksyon sila sa malalaking tao sa gobyerno. Ang kanilang pag-aangkat ng asukal ay ang nakikitang paraan ng gobyerno upang pababain ang halaga ng asukal sa mga pamilihan, ngunit sa katunayan ay mas kumikita pa ang mga sugar traders na ito.  

Paano ito nangyayari? Bumibili sila ng murang asukal sa ibang bansa, ngunit ibebenta nila ang mga ito sa mas malaking halaga. Kung ang nabibili nilang asukal mula sa Thailand ay nasa 25 piso lamang kada kilo, ibinebenta naman nila ito rito sa ating bansa sa halagang 85 piso kada kilo. Tumutubo sila ng 24 piso sa bawat kilo.3 Tiba-tiba nga talaga ang negosyo nila! Kung totoo nga ito, baka tama ang sinabi noon ni Senadora Hontiveros na may nangyayari umanong “government-sponsored smuggling” sa bansa.4  

Hindi dapat lumulusot ang ganitong mga kuwestiyonableng kalakaran sa ating gobyerno, kahit pa para sa marami sa atin, normal na ang katiwalian o kurapsyon sa ating bansa. Para sa ating Simbahan, ang kurapsyon ay pagnanakaw. Ang pag-abuso sa kapangyarihan para sa makasariling interes ay pagkiling sa kawalang-katarungan. Ang mga sangkot sa katiwalian ay lumalabag sa kanilang obligasyong itaguyod ang kabutihang panlahat, at sa pagtalikod nila sa tungkuling ito, hinahayaan nilang umiral ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.5 

Kung susuriin pa nating mabuti, ang kurapsyon, katulad ng lahat ng kasamaan, ay nag-uugat sa pag-ibig sa salapi, wika nga sa 1 Timoteo 6:10. Madaling nakapapasok ang mga galamay ng kasamaang ito sa mga proseso at sistema ng pamahalaan kung may mga lingkod-bayan din tayong sakim sa pera. Gamit ang awtoridad at mga koneksyong mayroon sila, ginagawa nilang kasangkapan ang pamahalaan para sa kanilang sariling ganansya, para sa kanilang pagmamahal sa salapi. Nakalulungkot—at nakagagalit—ito.  

Mga Kapanalig, maging mabunga sana ang paghahanap ng katotohanan ng mga lingkod-bayan nating matapang na ginagampanan ang kanilang tungkuling tiyaking kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap, ang pinagtutuunan ng pansin ng mga nasa gobyerno. Maging matatag sana sila lalo pa’t tiyak na gagawa at gagawa ng paraan ang mga tiwali upang matakasan ang kanilang pananagutan at upang magpatuloy ang mga baluktot na gawain sa ating pamahalaan, hindi lamang sa pag-aangkat ng asukal kundi sa maraming iba pa. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 32,548 total views

 32,548 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 43,623 total views

 43,623 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 49,956 total views

 49,956 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 54,570 total views

 54,570 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 56,131 total views

 56,131 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 32,549 total views

 32,549 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 43,624 total views

 43,624 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 49,957 total views

 49,957 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 54,571 total views

 54,571 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 56,132 total views

 56,132 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 42,987 total views

 42,987 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 65,650 total views

 65,650 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,226 total views

 71,226 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 76,707 total views

 76,707 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 87,820 total views

 87,820 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 83,819 total views

 83,819 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,521 total views

 71,521 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,003 total views

 80,003 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,062 total views

 73,062 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 79,986 total views

 79,986 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top