1,201 total views
Dahan–dahang phase out ng mga public utility vehicles o pampapasaherong jeep at pagpapasaayos ng mass transport system ang solusyon sa matinding problema sa traffic.
Iginiit ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Mission na hindi solusyon ang agarang pag – aalis sa lansangan ng mga jeep kundi ang dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang pagsasaayos ng mga mass transport system tulad ng mga bus at tren.
“It should be a gradual phase out because it has becomes part of the Filipino culture. Unless they have buses to fed, unless they have public transportation to feed for example mass transportation, like what many countries have. Public buses from the government and they have also very good trains in the city like MRT and LRT. That is what is lacking and the phasing out suddenly of the jeepney might really affect the population.”pahayag ni Bishop Bastes sa panayam ng Radyo Veritas.
Naapektuhan kahapon ng malawakang tigil pasada ang libo – libong nag – oopisina at nagparalisa ng ilang transaksiyon ng mga manggagawa.
Inaasahan ring masusundan ulit ang ikalawang national strike sa mga susunod na buwan hanggat hindi nagiging bukas ang pamahalaan sa pakikipag – dayalogo sa may 650,000 jeepney drivers at 250,000 jeepney operators na maapektuhan ng naturang jeepney modernization project.
Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika dapat na idinadaan sa mapayapang pakikipag – dayalogo ang pamahalaan lalo na sa mga usaping sumasakop sa mga sektor na pangunahing maapektuhan ng bagong programa.