4,369 total views
Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na pakikiisa at pagkakaroon ng mga inisyatibo sa pagpapataas sa kalidad ng trabaho at pamumuhay ng mga Filipino Seafarers.
Ito ang mensahe ni Catholic Bishop Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Vice-chairman, Stella Maris Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos at Stella Maris Manila Chaplain Father Paulo Prigol sa paggunita ng National Seafarers and Migrants Sunday.
Ipinaalala naman ni Bishop Santos sa mga Pilipinong Mandaragat at Migrante ang pagtutulungan at iwaksi ang inggit sa kapwa.
Nanawagan naman si Bishop Santos sa mga employers at nangangasiwa sa sektor na higit na pagpapabuti sa kalagayan ng mga migrante at seafarers.
“God is always there to serve us, God is always there to save us, do not grapple and bring down the laborers who worked hard for the food they worked, they should do their job diligently with what ability God has uniquely gifted us, Do not worry about the work of your co-workers that are lazy and doing nothing,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos na ipinadala ng Stella Maris Manila sa Radio Veritas.
Bukod sa pasasalamat ay ipinarating din ni Father Paulo Prigol – Stella Maris – Manila Chaplain at Regional Director of Stella Maris for South East Asia ang mensahe na sa tulong ng mga Seafarers ay naipagpatuloy ang kalakalan ng mga bansa higit noong pandemya.
Tiniyak rin ni Father Prigol ang pagtulong ng Stella Maris sa mga graduate ng Maritime courses na makapagtrabaho.
Kasabay ito ng pagkakaroon ng mga paralegal assistance para sa mga mandaragat na nagkakaroon ng suliranin sa kanilang trabaho at paghuhubog sa mga estudyante upang isabuhay ang mabubuting katangian ng mga Pilipinong mandaragat sa kanilang trabaho.
“No Shipping No Shopping, Thank you seafarers because during pandemic katulad ng mga sinasabi namin sa mga doktor, sa mga nurse ay thank you and why not? Pero perhaps we became more aware with no seafarers, nothing moves in the world because they move 90% of the good in the world so thank you for being a Filipino, thank you for bringing the Faith wherever they go regardless to the religion they belong to, pero lalo na ang mga katoliko,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Father Prigol.
Sa pinakahuling tala ng pamahalaan, aabot sa 400-libo ang bilang ng mga Filipino Seafarers na parehong naglalayag sa domestic at foreign maritime industry na katumbas ng 20% sa bilang nga kabuoang mandaragat sa buong mundo.