8,451 total views
Muling inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mga kapanalig sa isasagawang Grand Marian Exhibit katuwang ang Fisher Mall sa Quezon City.
Ito ang Mary and the Healing Saints exhibit kung saan itatampok ang nasa 100 imahen ng Mahal na Birheng Maria at mga mapaghimala at nagpapagaling na santo, tulad ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia, San Padre Pio, at San Roque.
Ayon kay Radio Veritas Religious Department head Renee Jose, layunin ng exhibit na ipadama sa mga mananampalataya lalo na sa mga maysakit, ang mapagpalang presensya at pagpapagaling ng Birheng Maria at iba pang mga banal.
“We invite the devotees, especially those who are sick, to come and visit our Marian exhibit to experience the blessings and healing brought by Mary and the saints,” pahayag ni Jose sa Veritas Patrol.
Bubuksan ang exhibit sa September 18, ganap na alas-2 ng hapon at magtatagal hanggang September 29.
Bukas sa publiko ang exhibit mula alas-10 ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi kung saan maari ring mag-alay ng panalangin na isasama sa Healing Masses ng Radio Veritas sa alas-sais ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-sais ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.
Para sa karagdang detalye, makipag-ugnayan lamang sa Religious Department ng Radio Veritas sa telepono (02) 8925-7931 to 39 locals 129, 131, at 137 o mag-text sa 0917-631-4589.