493 total views
Malugod na tinanggap ni Bishop – elect Msgr. Ruben Labajo ang pagkahirang bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu.
Bagamat may pangamba sa malaking hamong kakaharapin kaakibat ng pagiging obispo ay buong kababaang loob nitong ipinagkatiwala sa Panginoon ang kanyang bagong misyon sa simbahan.
“I am humbly accepting the appointment of the Holy Father to me as an auxiliary bishop of the Archdiocese of Cebu. I am completely overwhelmed by the news. I know this is challenging how to be a bishop and considering my weaknesses, inadequacies, limitations and the like, but the gospel of John 15:16 strengthened me when Jesus says you did not choose me but I chose you and appointed you so that you might grow and bear fruit, fruit that will last,” pahayag ni Bishop-elect Labajo.
Aminado ang bagong talagang obispo na bagamat hindi ito karapat-dapat sa posisyon ay labis itong nagpasalamat sa kaloob na biyaya ng misyon na ipinagkaloob ng Panginoon sa halos tatlong dekadang pagiging pari.
Bilang regalo ng Panginoon sinabi ni Bishop-elect Labajo na nararapat itong ibahagi sa kapwa lalo’t higit sa kawan na ipagkakatiwala.
Hiling ni Bishop-elect Labajo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin ng katatagan sa pagganap sa tungkulin bilang katuwang ni Archbishop Jose Palma sa pangangalaga sa halos limang milyong katoliko sa arkidiyosesis kasama si Bishop Midyphil Billones.
“Since it is a gift, it is meant to be shared. This gift has become a task, and this is where I need you most. So please pray for me. Include me in your daily prayers. It is only in him that I can survive. Give me all your support and prayers,” ani Bishop-elect Labajo.
June 23 nang inanunsyo ng Vatican ang makabuluhang paghirang kay Msgr. Labajo kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Dakilang Kapistahan ni San Juan Bautista na kilalang tagapaghanda sa daanan ng Panginoon.
Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na isang magandang kaloob ng arkidiyosesis ang pagtalaga kay Msgr. Labajo bilang katuwang na obispo lalo’t sa lalawigan sumibol ang Kristiyanismo 500 taon na ang nakalilipas.
“The appointment of the new auxiliary Bishop is certainly a moment of grace. This is certainly God’s grace in our archdiocese as we journey forward,” ayon sa pahayag ni Archbishop Palma.
Si Bishop Elect Labajo ay ipinanganak noong September 24, 1966 sa Talisay City Cebu at nagtapos ng philosophy at theology sa San Carlos Seminary Cebu.
Inordinahang pari ng Archdiocese of Cebu noong June 10, 1994 kung saan kabilang sa pinagsilbihan bilang pari ang pagiging Parish vicar sa Mandaue City, Santa Fe Parish sa Bantayan Island, at St. Joseph Parish sa Tabunok Talisay.
2014 hanggang 2019 nang maitalaga ang pari sa Cebu Metropolitan Cathedral.
Noong 2017 naging bahagi si Bishop-elect Labajo sa Council of Consultors, Episcopal Vicar sa unang distrito ng arkidiyosesis at kasapi ng Presbyteral Council.
Sa kasalukuyan si Bishop-elect Labajo ay isa sa mga Vicar General ng arkidiyosesis.