207 total views
Hinihimok ng Kalikasan Peoples Network For the Environment na makiisa sa kanilang kampanya na Green Christmas.
Ayon sa grupo, sa halip na magpunta sa mga shopping malls ngayong nalalapit na pasko ay mas mainam kung gugugulin ng pamilya ang kanilang panahon sa pamamasyal sa mga forest parks o bumisita sa National Museum.
“Bring your families to the last remaining ‘green spaces’ across the Metropolitan sprawl, such as the remaining mangrove forests in the Las Pinas-Paranaque Critical Habitat and Ecotourism Area and the Tanza Marine Tree Park in Navotas, and the Arroceros Forest Park in Manila. There is also the recently opened National Museum of Natural History, where one can learn ecological knowledge from its collections on botany, geology, and zoology.” Pahayag ng KPNE.
Bukod dito, nananawagan din ang KPNE na iwasan ang pagbili ng mga bagong gadgets upang hindi na madagdagan ang electronic trash.
Sa halip ayon sa grupo ay gamitin na lamang ang salaping ipambibili ng gadgets sa pagtulong sa mahihirap na mga komunidad.
Nakiusap ang K-P-N-E sa mamamayan na iwasan ang paglikha ng madaming kalat na naitatambak lamang kung saan-saan.
Payo ng grupo, siguruhing mayroong proper segregation at magsagawa din ng pag-re-recycle upang mabawasan ang nalilikhang kalat sa paligid.
Nauna rito, inihayag ng kanyang kanabalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si na kung hindi masosolusyunan ang dami ng basurang nagmumula sa mga tao ay unti-unting magmimistulang malawak na tambakan ng basura ang buong daigdig.(Yana Villajos)