237 total views
Bumuo ng tulay para sa pakikipag-ugnayan at pagsusulong ng pagkakasundo ayon na rin sa panawagan ni Pope Francis sa international community.
Nais naman ni European Union na si Ambassador Franz Jessen na higit pang kilalanin ang Pilipinas sa pamamagitan ng gaganaping bike tour sa Bohol na itinakda sa ika-6 hanggang ika-7 ng mayo.
Ayon sa kinatawan ng EU sa bansa ito ay pagpapakita rin ng pagpapahalaga sa kalikasan at pagsusulong ng malusog na pangangatawan.
“It’s way to promote green energy, sustainable development and another part is as a head of a mission you get to know very well the country, get out there on the road and see the villages and goes to the country side,” pahayag ni Ambassador Jessen sa Radio Veritas.
Ang VeloMai campaign ng EU ay ang pagkakaroon ng bike-to-work challenge kung saan hinimok ng grupo ang mamamayan na gumamit ng bisikleta papasok sa kanilang mga trabaho upang mabawasan ang nalilikhang polusyons a hangin bunsod ng usok ng sasakyan.
Pangungunahan ng opisyal ang pagbibisikleta sa Bohol sa Mayo kasama ang ilang dayuhang opisyal at mga rider groups sa bansa na nais makiisa sa programang ilulunsad.
VIVA EUROPA
Pormal na ring inilunsad ng EU ang Viva Europa ang taunang pagpapakita ng kultura ng mga bansang sakop ng EU noong ikawalo ng Abril na ginanap sa Makati City.
Layunin ng Viva Europa ay palakasin ang ugnayan at pagkakasundo ng mga EU Member states at ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagpapamalas ng iba’t ibang kultura ng iba’t ibang bansa.
Tema ngayong taon ang ‘EU Goes Techno’ kasunod ng Copernicus Programme Conference noong Marso na layong i-monitor ang daigdig at ang maraming sistema na sa buong kapaligiran na ginagalawan ng tao.
Kaugnay dito gagamit ng mga satelites ang EU para mag-monitor sa daigdig upang makakuha ng mga impormasyong makatutulong sa mga pag-aaral sa pagtugon sa food security, deforestation, climate change at iba pang banta ng kalamidad na maaaring kaharapin ng tao.
Kasama ng European Union ang mga iba pang delegado tulad ng mga Embahada ng Austria, Czech Republic, Germany, The Netherlands, at ang Philippine – Italian Association.
Ngayong taon ang ika-11 taong ng pagsasagawa ng Viva Europa na inaasahang mas magpapalago at makatutulong sa pagbubuklod ng mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, kultura at paniniwala.