201 total views
Nanawagan ang Simbahan sa mananampalataya na patuloy na isabuhay ang ‘Green Practices’ para sa pangangalaga ng kalikasan.
Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ito ay tugon sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa pagdiriwang ng Season of Creation kasabay na rin ng deklarasyon ng Prayer for Creation.
“Ang advocacy natin hindi lang laban laban, kundi kailangan din nating isulong ang pangangalaga sa kalikasan. ang DENR ay dapat talaga ay ang pagtatanim ng puno. So yun, isulong natin ang ‘green practices’ na kailangan nating gawin. Maganda magsimula sa sarili loob-espiritwal, panlabas-lifestyle ng bawat at pangatlo advocacy para sa lipunan natin,” ayon kay Bishop Pabillo.
Ang Season of Creation ay taunang ipagdiriwang ng simbahan na nagsisimula ng September 1 hanggang October 4.
Sinabi ni Bishop Pabillo na ito ay hindi lamang panawagan kundi isang gawain na dapat isagawa ng sambayanan kabilang na ang pagpapanibago ng pananaw at kaisipan, pagbabago ng gawi, at ipaglaban ang pangangalaga sa kalikasan.
Kabilang sa tinutulan ng simbahan ang pagmimina, reclamation at ang pagtatayo ng dam kabilang na dito ang Liban Dam na magdudulot ng pagkasira ng kalikasan na makakaapekto sa pamayanan.
Sinasaad sa Laudato Si ang ensiklikal na isinulat ni Pope Francis patungkol sa kalikasan at ang patuloy na paghimok sa mamamayan na makiisa sa pangangalaga ng kalikasan na dapat masimulan sa sarili.