4,375 total views
Tiniyak ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang pakikiisa sa pagpapaunlad ng ekonomiya habang pinangangalagaan ang kalikasan.
Inilunsad ng IPOPHIL ang Green Technology Incentive o Greentech Program upang bigyan prayoridad ang mga imbensyon, ideya at inisyatibong nakatutok sa pangangalaga ng kalikasan.
Inaasahan ni IPOPHIL Director General Rowel Barba na matutulungan ng programa ang mas maraming manggagawa at mamamayan na hindi maapektuhan ng pagkasira ng ari-arian at pagkawala ng buhay dahil sa mga natural na kalamidad at negatibong epekto ng climate change.
Sa pamamagitan ng Greentech Program ay maaring makatipid ng hanggang 6,600-pesos na bayarin ang mga magpapatala ng Intellectual Property sa mga renewable energy at makakalikasang imbensyon o inisyatibo.
Katulad ito ng mga Alternative Energy Production, Solar Energy, sustainable transportation,Energy Conservation, Waster Management, Sustainable Agriculture/Forestry, Administrative regulartory or design aspects at nuclear power generation.
Ang IPOPHIL ay ang ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng lisensya at proteksyon sa mga IP katulad ng ideya, musika, kanta at imbensyon bilang opisyal na pagmamay-ari ng isang kompanya, indibidwal o grupo.
Una ng naging apela ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang wastong paglalagay ng mga IP higit na sa mga imbensyong makakatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao at magsisilbing gamot sa nakakarami.