579 total views
Inaprubahan ng House committee on banks and financial intermediaries ang pinagsamang panukala, kabilang na ang House Bill 1 (HB1) ni House Speaker Martin Romualdez na layuning palawakin ang pagpapautang ng pamahalaan sa mga maliliit na negosyo.
Ang HB 1 o An Act providing for government financial institutions unified initiatives to distressed enterprises for economic recovery (GUIDE).
Kabilang sa mga inaprubahan ang paglalaan ng pondo (LBP) at DBP para sa kinakailangang tulong sa micro, small and medium enterprises o MSME’s at ilang pang mga kompanya.
Sa ilalim ng panukala, maglalaan ng P7.5 B sa Land Bank of the Philippines (LBP) at P2.5 B sa DBP o kabuuang P10 B.
“The government financial institutions are mandated to expand their credit programs in order to assist MSMEs to meet their liquidity needs. In particular, the LBP and DBP are mandated to expand their credit and rediscounting facilities to affected MSMEs in the agriculture, infrastructure, manufacturing, and service industries,” ayon sa sinasaad ng panukala.
Ito ay upang matulungan ang mga negosyante na makabawi mula sa pagkalugi sa dulot na epekto ng higit sa dalawang taong pag-iral ng novel coronavirus pandemic.
Inaasahang magsusumite ng committee report ang house financial committees na pinamumunuan ni Manila Representative Irwin Cheng sa House committee on appropriations and ways and means para sa funding at tax provisions requirement.
Sa buong buwan ng Agosto, inilaan ng Santo Papa Francisco ang kaniyang pananalangin para sa mga maliliit na negosyo na makahanap ng paraan para magpatuloy sa paglilingkod sa pamayanan sa gitna ng krisis pang-ekonomiya at panlipunan na dulot ng pandemya.