212 total views
Nasasaad sa Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1963 na Pacem in Terris on Establishing Universal Peace in Truth, Justice, Charity and Liberty – maituturing na kabiguan ng pamahalaan ang pagsasawalang bahala sa pagbibigay ng katarungang panlipunan at pagbibigay proteksyon sa karapatang pantao ng mga mamamayan.
‘Welcome Development’ sa Commission on Human Rights sa naging hatol ng Sandiganbayan kay dating 1st Lady at Ilocos Norte Representative Imelda Marcos kaugnay ng kasong katiwalian at pagkamal ng salapi ng bayan noong ito nagsilbi sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na kanyang asawa.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, bagamat matagal bago nahatulan ay dapat pa rin itong ituring na tagumpay ng mga Filipino lalu na ang mga biktima ng human rights violation at mga nakaranas ng pang-aabuso sa ilalim ng Batas Militar ng rehimeng Marcos.
“The Commission on Human Rights welcomes the decision of the Sandiganbayan convicting Imelda Marcos guilty of the graft charges committed when the former First Lady occupied different positions under the Marcos dictatorship. Despite being a long process, this conviction is nonetheless a triumph for the Filipino people, especially for the victims of human rights violations under martial law, in the face of historical revisionism,” ang bahagi ng pahayag ni CHR Spokesperson Atty de Guia.
Giit ni Atty. De Guia, kinakailangan ng bayan ang pagsisiwalat sa katotohanan lalo na sa gitna ng tangkang ‘historical revisionism’ o paglilinis ng pangalan ng pamilya Marcos at tuluyang muling makabalik sa kapangyarian.
Binigyang diin ni Atty. De Guia ang paninindigan ng CHR na patuloy na isulong ang pagkamit ng katarungan sa lahat ng mga biktima ng iba’t ibang kaso ng pang-aabuso sa ilalim ng Batas Militar ng rehimeng Marcos.
“The Commission stresses the need for truth! So that we call ultimately hold the dictatorship and their cohorts accountable for their crimes. We will continue to be vigilant in this process in the interest of upholding justice for the victims of such transgressions. We will never forget,” dagdag ni Atty. De Guia.
Sa desisyon ng Sandiganbayan 5th Division, napatunayang guilty ang dating unang ginang sa pitong kasong Graft pagtikular na ang ilegal na paglilipat ng tinatayang higit 200-milyong dolyar sa iba’t ibang Swiss Foundations noong 1970’s habang siya ay nagsisilbing governor ng Metropolitan Manila sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Read: Hatol laban sa dating Unang Ginang, katarungan para sa mamamayan
Umaasa si CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na magsilbing leksyon para sa iba pang mga opisyal ng pamahalaan ang naging desisyon ng korte upang wakasan na ang pananamantala sa kanilang mga posisyon at pagkamkam sa kaban ng bayan.