610 total views
16 Pebrero 2025, Pang-anim na Linggo ng Karaniwang Panahon, Lucas 6:17, 20-26 (See English version below, after the Original Tagalog text.)
Isa sa mga naunang telenobela series na ipinalabas sa telebisyon sa Pilipinas ay pinamagatang “Gulong ng Palad,” na sa Ingles ay “Wheel of Fortune.” Noong panahong iyon, mga bata pa lang sina Janice de Belen at Romnick Sarmenta. Sumikat ang palabas na iyon sa telebisyon dahil puno ng mga eksenang malakas ang dating sa ating mga Pilipino: mga eksena tungkol sa pagbabaligtad ng sitwasyon ng mga dating inaapi na aangat ang kabuhayan at mga dating mayayaman na babagsak at gagapang sa hirap. Binibitin ang manonood sa dulo ng bawat episode; kung kailan matindi na ang drama saka sinasara para aabangan ang susunod na kabanata. Araw-araw noon naririnig namin ang theme song na ganito ang sinasabi:
“Kung minsan ang takbo ng buhay mo
Pagdurusa nito’y walang hanggan
Huwag kang manimdim
Ang buhay ay gulong ng palad
Ang kandungan, ang kapalaran
Kung minsan ay nasa ilalim,
Minsan ay nasa ibabaw…”
Sa isang parish recollection, tinanong ko ang mga tao kung naniniwala ba sila sa sinasabi ng kanta na gulong daw ng palad, ang buhay ay gulong ng palad. Paikot-ikot lang: minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Nagulat ako nang halos sabay-sabay silang sumagot ng oo. At parang sila naman ang nagulat nang tanungin ako ng isa sa kanila: “E kayo, Bishop?” at ang sagot ko ay, “Syempre, hindi. Hindi naman naaayon iyan sa pananampalatayang Kristiyano. Masyadong fatalistic ang dating. Kung sa kapalaran lang nakasalalay ang lahat, para namang walang Diyos. Parang automatic na lang lahat: paikot-ikot lang ang gulong, minsan nasa taas, minsan nasa ibaba. Magtiis ka lang at maghintay pag nasa ibaba ka. Iikot din ang gulong.”
Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating intindihing mabuti ang gustong sabihin ng Panginoon sa narinig natin na kakaibang version ni San Lukas ng Beatitudes (o Mapapalad). Nakay San Mateo din ito sa Mt 5, at doon mayroong eight beatitudes, walong pangungusap tungkol sa mapapalad: lahat positibo ang pagkakasaad. Kay San Lucas, nahahati ito sa dalawang grupo ng apat na pahayag. Sa isang banda, may apat na pagpapala o beatitudes na positibo ang pagkakasaad, at sa kabilang banda, may apat na sumpa o babala, lahat negatibo ang pagkakasabi. Bawat linya sa pangalawang set ay kabaligtaran ng pahayag sa unang set mula sa pagpapala patungo sa sumpa.
Halimbawa: “Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo ay bubusugin. Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, kayo ay aaliwin.” Pero sa second part babaligtarin naman ang lahat ng sinabi sa first part: “Sawimpalad kayong mga busog ngayon, kayo ay magugutom. Sawimpalad kayong mga inaaliw ngayon, kayo naman ang tatangis.”
Kung gusto nating mas lubos na maintindihan ang kakaibang presentation ni San Lukas sa mga Beatitudes bilang mga pagpapala sa isang banda at mga sumpa sa kabilang banda, magandang balikan ang Magnificat o Awit ni Mama Mary sa kuwento ng Visitation. Doon parang propeta ang dating ni Maria; parang bumibigkas siya ng isang orakulo ng pag-asa o kaligtasan tungkol sa mga aral ng nakaraan batay sa kasaysayan, mga sandali kung kailan ipinadama ng Diyos ang kanyang kakapangyarihan at katarungan sa mga hindi inaasahang pangyayari sa lipunan. Mga sandali na “ibinagsak niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang trono” at “itaas ang maliliit mula sa mababang kalagayan,” mga sandaling “Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at hinayaang maghikahos ang mga dating busog.”
Ewan kung matatandaan ninyo na minsan, may naibahagi na ako sa inyo tungkol sa sinabi ng ating mismong bayaning si Jose Rizal tungkol sa mentalidad tungkol sa buhay na parang gulong lang ng palad na umiikot. Sa isang eksena sa kanyang nobelang “El Filibusterismo” na karugtong ng kanyang “Noli me Tangere”, ito ang linyang inilagay niya sa bibig ng isang karakter sa nobela: “Para saan ang kalayaan, kung ang mga inaapi ngayon ay sila naman ang mang-aapi bukas?” Ibig sabihin, para sa kanya, hangga’t paghihiganti ang hangad ng tao, hangga’t walang hinahangad ang mga inaapi kundi ang maibaligtad ang gulong ng palad,wala pang tunay na kalayaan. Ibig sabihin ginagaya lamang ng mga inaapi ang kamalayan ng mga nang-aapi sa kanila.” Walang lipunan na uunlad sa ganyan, para sa kanya. Ang pagbabaligtad lang ng mga sitwasyon ay hindi magbubunga ng makatarungang lipunan; hindi mo raw pwedeng tawaging isang tunay na rebolusyon ang ganyan.
Hangga’t ang nangingibabaw sa taong dating inaabuso ay isang uri ng “persecution complex” na walang ibang nais kundi pagbigyan ang udok na makabawi, wala pang tunay na pagbabago. Mananagumpay lang daw ang dating biktima kung ang hahangarin niya ay ang isang klase ng lipunan na wala nang mang-aabuso at wala nang biktima. Sa totoo lang, parang hiniram din ni San Lucas ang mga salitang inilagay niya sa bibig ni Maria sa binigkas nitong Magnificat. Marami sa mga linya ay hiram mula sa awit ni Hannah, ang ina ni propeta Samuel, sa Unang Aklat ni Samuel 2:4-5, 7-9. Doon, mas detalyado pa nga ang awit:
“Nililipol niya ang mga makapangyarihan ngunit pinalalakas ang mahihina. Ang dating mayaman ngayon ay kumakayod na rin at naghahanap ng makakain. Ang dating hikahos ay dumaranas na ng ginhawa…. Ang Panginoon ang nagpapadukha at nagpapayaman. Itinataas niya aang iba at ang iba naman ay kanyang ibinababa. Ibinabangon niya ang mga nalulugmok, iniluluklok sila sa trono at binibigyang-dangal kasama ng mga maharlika. Sa kanya ang pundasyon na kinatatayuan ng mundo.”
Hindi po ito kapareho ng mentalidad ng Gulong ng Palad. Hindi nais ng Panginoon na ibagsak ang mga makapangyarihan at itaas ang mga mababa, para lang pagbaligtarin ang kanilang mga sitwasyon. Hindi ayon sa kalooban ng Diyos na ang dating inaapi ay sila naman ang mang-aapi. Hindi. Pakinggan nyo ang sinabi niya sa orakulo ni Hannah, “itinaas ng Panginoon ang mga aba upang iluklok din sila sa trono sa piling ng mga maharlika.” Ang nais niya ay ilagay tayo sa magkapantay na kalagayan at dangal bilang mga anak niya, hindi na bilang mga amo at alipin kundi bilang magkakapatid.
ENGLISH VERSION:
WHEEL OF FORTUNE
February 16, 2025, Sixth Sunday in Ordinary Time, Luke 6:17, 20-26
One of the earliest soap opera series aired on Philippine television was titled “Gulong ng Palad,” which translates to “Wheel of Fortune” in English. At that time, Janice de Belen and Romnick Sarmenta were still children. The show became popular because it was full of intense scenes that deeply resonated with Filipinos: scenes about the reversal of fortunes, where the oppressed would rise to better circumstances while the rich would fall into hardship. Each episode would leave the viewers on a cliffhanger, and just when the drama reached its peak, they would end the episode, making people eagerly await the next one. Every day, we would hear the theme song with these words:
“Sometimes when the course of your life seems to be an endless string of sufferings
Do not despair
Life is a wheel of fortune
The wheel turns, fate turns
Sometimes you’re at the bottom,
Sometimes you’re at the top…”
In a parish recollection, I asked the people whether they believed in what the song says—that life is a wheel of fortune. That life just goes in circles: sometimes up, sometimes down. I was surprised when almost everyone answered “yes.” They seemed equally surprised when one of them asked me, “And you, Bishop?” I answered, “Of course not. That doesn’t align with Christian faith. It sounds too fatalistic. If everything depends on fate, then it’s as if there’s no God. It becomes automatic: the wheel just turns, sometimes up, sometimes down. You just have to endure and wait for it to turn.”
This is why we need to understand clearly what the Lord is trying to say in today’s reading, which presents a different version of the Beatitudes (or Blessings) from St. Luke. St. Matthew also includes them in Matthew 5, with eight Beatitudes, all positively phrased. But in Luke, these are divided into two groups of four statements: one group presents blessings, and the other, curses. Each line in the second group is the opposite of the corresponding line in the first group, turning blessings into curses.
For example: “Blessed are you who are hungry now, for you will be satisfied. Blessed are you who weep now, for you will laugh.” But in the second part, it reverses everything: “Woe to you who are full now, for you will go hungry. Woe to you who laugh now, for you will mourn and weep.”
If we want to better understand St. Luke’s unique presentation of the Beatitudes as both blessings and curses, it’s helpful to revisit the Magnificat, or the Song of Mary, from the story of the Visitation. There, Mary’s song sounds like a prophetic oracle of hope or salvation, reflecting on the lessons of the past based on historical events where God’s power and justice were made known in unexpected societal occurrences. These are moments when “He brought down the mighty from their thrones” and “lifted up the lowly,” times when “He filled the hungry with good things and sent the rich away empty.”
You may recall that I once shared what our national hero, José Rizal, said about the mentality that life is just a wheel of fortune, turning in circles. In a scene from his novel El Filibusterismo, which is a continuation of Noli Me Tangere, a character speaks the line: “What is the use of freedom if the slaves today will become the tyrants of tomorrow?” For him, as long as people desire revenge, as long as the oppressed only wish to reverse the wheel of fortune, there is no true freedom. He means that the oppressed are merely mimicking the mindset of those who oppress them. No society can progress this way. For him, merely reversing the situation does not bring about a just society; it cannot be called a true revolution.
As long as the mentality of “persecution complex” dominates the oppressed, where they only wish for revenge, there will be no real change. The victim can only succeed if they aim for a society where no one is oppressed and no one is an oppressor. In truth, it seems that St. Luke borrowed words from Mary’s Magnificat. Many lines echo those of Hannah’s song in 1 Samuel 2:4-5, 7-9, where it is said in more detail:
“He breaks the mighty, but strengthens the weak. The rich are now struggling and looking for food. The poor now experience comfort… The Lord brings both poverty and wealth. He raises some up and brings others down. He lifts up the fallen, sets them on thrones, and honors them with the nobles. The foundation of the world belongs to Him.”
This is not the same as the mentality of the “Wheel of Fortune.” The Lord does not want to bring down the powerful and lift up the lowly just to reverse their situations. It is not God’s will that the oppressed become the oppressors. No. Listen to what He says in Hannah’s prophecy: “The Lord raises the lowly to set them on thrones with the nobles.” What He desires is to place us in an equal position and dignity as His children, no longer as masters and slaves, but as brothers and sisters.