Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hakbang pasulong o paatras?

SHARE THE TRUTH

 1,235 total views

Mga Kapanalig, umani ng iba’t ibang reaksyon ang naging pasya ng Kataas-taasang Hukuman hinggil sa paglalagak ng mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Sa 15 mahistrado ng Korte Suprema, siyam ang sumang-ayon sa pagpapalibing sa dating pangulo sa nasabing himlayan. Lima ang tumutol (kabilang si Chief Justice Serreno), habang isa sa kanila ang nag-abstain o hindi lumahok sa pagpapasya dahil sa conflict of interest.

Gaya ng inaasahan, ikinagalak ng pamilya Marcos at kanilang mga tagasuporta ang naging desisyon ng Korte Suprema. Tila naman pinagsakluban ng langit at lupa ang mga taong naniniwalang walang lugar sa himlayang para sa mga bayani ang isang taong sumupil sa demokrasya at yumurak sa karapatang pantao ng napakarami noong panahon ng Batas Militar. Ngunit sa kabila ng matinding pagkakahati-hati ng opinyon ng mga Pilipino, nanindigan si Pangulong Duterte sa kanyang kagustuhang ilibing ang kinikilala niyang idolo sa Libingan ng mga Bayani.

Batas ang sinasabing naging batayan ng mas maraming mahistrado upang sabihing walang problema kung ililibing ang dating pangulo sa libingang laan para sa mga taong nagbuwis ng buhay at nag-alay ng kanilang husay para sa bayan. Ayon sa desisyon, hindi naman daw itinanggi ng mga nagpetisyon laban sa pagpapalibing na si Marcos ay naging pangulo, commander-in-chief ng Hukbong Sandatahan, mambabatas, at kalihim ng Ministry of National Defense. Hindi rin umano napasubalian na siya ay naging sundalo at beterano ng digmaan. Sapat na raw ang pagkakaroon ng isa lamang sa mga nabanggit na titulo upang ihimlay ang mga labi ng sinuman sa Libingan ng mga Bayani batay na rin sa mga panuntunan kung sinu-sino ang mga maaaring ilibing roon.

Batid ng ating mga mahistrado ang pagkakasangkot ni dating Pangulong Marcos sa napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao at mga gawaing may kinalaman sa pagnanakaw sa kaban ng bayan sa loob ng mahigit dalawang dekada niyang pananatili sa kapangyarihan. Ngunit para sa siyam na mahistrado, mas matimbang ang kanyang pagiging dating pangulo at ang paggagawad sa kanya ng “medal of valor”, ang pinakamataas na parangal para sa isang sundalong Pilipino.

Katwiran pa ng siyam na mahistrado: “While he was not all good, he was not pure evil either. Certainly, just a human who erred like us.” Sa Filipino: “Samantalang hindi siya lubos na mabuti, hindi rin siya lubos na masama. Sa katunayan, siya ay taong nagkamali tulad nating lahat.” Dapat daw tingnan ang buong pagkatao ni Marcos, hindi lamang ang mga nagawa niyang kasalanan at kasamaan sa bayan. Ayon pa sa kanila, dapat umanong kilalanin ang mga mabuting nagawa ng isang tao at kalimutan ang mga naging pagkakamali nito gaano man kalaki at kasama ang mga ito. Sa ganitong paraan, makakausad daw po tayo.

Kayo, mga Kapanalig, ano ang inyong pananaw sa isyung ito?

Binibigyang-diin ng mga katuruang panlipunan ng Simbahan ang kahalagahan ng pakikilahok natin sa mga pagpapasya ng mga institusyong panlipunan, katulad ng pamahalaan, lalo na’t malaki ang implikasyon ng kanilang mga pinagtitibay sa maayos na pamumuhay ng mga mamamayan at sa kinabukasan natin bilang isang bayan. Gayunman, ang pakikilahok ay isang tungkuling dapat gampanan nang may pagkiling sa kabutihang panlahat o common good, at hindi lamang upang isulong ang kagustuhan ng iilan, lalo na ng mga nasa kapangyarihan.

Tunay bang mabuti para sa lahat at sa susunod na salinlahi ng mga Pilipino ang pagkaitan ng katarungan ang mga taong isinakripisyo ang sarili sa ngalan ng kalayaan at katotohanan? Tunay na katarungan ba ang makakamit kung lilimutin na lamang natin ang kasalanan ng mga taong walang pag-ako sa mga nagawang pagkakamali? Tuluyan bang mahihilom ng paglimot ang malalim na sugat ng nakaraan?

Mga Kapanalig, huwag po tayong mapapagod sumubaybay. Magsuri tayo at kumilos upang ang ating mga hakbang bilang isang bayan ay tunay na pasulóng sa halip na paatras.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagbabalik ng pork barrel?

 3,993 total views

 3,993 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 9,792 total views

 9,792 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 28,351 total views

 28,351 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »

Sss Premium Hike

 41,582 total views

 41,582 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »

3 Planetary Crisis

 47,723 total views

 47,723 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagbabalik ng pork barrel?

 3,994 total views

 3,994 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mag-ingat sa fake news

 9,793 total views

 9,793 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 28,352 total views

 28,352 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sss Premium Hike

 41,583 total views

 41,583 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

3 Planetary Crisis

 47,724 total views

 47,724 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Generation Beta

 52,964 total views

 52,964 total views Mga Kapanalig, ang mga isisilang simula ngayong 2025 hanggang 2039 ay kabilang na sa bagong henerasyon na kung tawagin ay Generation Beta.  Sinusundan nila ang mga Gen Alpha na ngayon ay edad 15 pababa (o mga ipinanganak umpisa 2010) at ang mga Gen Z na nasa pagitan ng 16 at 30 taong gulang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malusog na bagong taon

 54,363 total views

 54,363 total views Mga Kapanalig, isang linggo na tayong nasa bagong taon.  Anu-ano ang inyong new year’s resolution? Kasama ba ang pagda-diet at pagkain ng mas masustansya, pag-e-exercise o pagpunta sa gym, o pag-iipon ng pera? Anuman ang inyong resolution, sana ay nagagawa pa ninyo ito at hindi pa naibabaon sa limot. Kung may isang mainam

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Polusyon sa bagong taon

 52,706 total views

 52,706 total views Mga Kapanalig, hudyat ang bawat bagong taon ng pagsisimula ng sana ay mas mabuting pagbabago para sa ating sarili. Pero hindi ito ang kaso para sa ating kapaligiran. Nitong unang araw ng 2025, pagkatapos ng mga pagdiriwang, inilarawan ng IQAir bilang “unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang IQAir ay isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The End Of Pork Barrel

 61,348 total views

 61,348 total views Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel. Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paasa At Palaasa

 70,908 total views

 70,908 total views Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito? Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad. Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025? Kapanalig, napahalaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

New year’s resolution para sa bayan

 90,871 total views

 90,871 total views Happy new year, mga Kapanalig! May mga new year’s resolutions ba kayo? Anumang pagbabago ang nais ninyong simulan, sana ay matupad ninyo ang mga ito. Ano naman ang new year’s resolution mo para sa ating bayan ngayong 2025? Nakakapagod ang nagdaang taon, hindi ba? Naging maingay ang mga namumuno sa ating gobyerno. Nagbatuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May mangyari kaya?

 110,585 total views

 110,585 total views Mga Kapanalig, kung sinubaybayan ninyo ang labintatlong pagdinig na ginawa ng tinatawag na quad committee (o QuadComm) ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan tungkol sa mga extrajudicial killings (o EJK) kaugnay ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte, nanlumo siguro kayo sa dami at bigat ng mga inakusa sa mga sangkot. Humantong ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kilalanin ang mga haligi ng bayan

 110,556 total views

 110,556 total views Mga Kapanalig, ngayon ay Rizal Day, ang araw kung kailan inialay ng ating pambansang bayani ang kanyang buhay para sa bayan. Sa araw na ito noong 1896, pinatay sa pamamagitan ng firing squad si Gat Jose Rizal sa Bagumbayan o mas kilala ngayon bilang Rizal Park. Pinatawan siya ng parusang kamatayan ng pamahalaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nabibili Ba Tayo?

 67,092 total views

 67,092 total views Kapanalig, bago pa sumapit ang kapaskuhan o advent season ay nagpaparamdam na ang mga kandidato para sa 2025 midterm elections. Maingay na sa social media, laganap na ang adbocacy ads sa mga telebisyon at radio maging sa print media lalu na ang mga nakasabit na tarpaulin. Pinaghahandaan na natin ang midterm election sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

2025 Jubilee

 66,448 total views

 66,448 total views Idineklara ni Pope Francis ang taong 2025 na “Jubilee year” na may temang “Pilgrims of Hope”. Ang Jubilee year ay isang espesyal na taon ng grasya at paglalakbay. Harangin ng Santo Papa na sa Jubilee year ay manaig ang greater sense of global brotherhood at pakikiisa sa mga mahihirap at matutunan ang pangangalaga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top