65,602 total views
Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino.
Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan.
Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa.
“To the new newly elected president you have been promising us unity and there are no more candidates that we are still considering aside from you. You are the one chosen by a majority of our Filipino people and we hope that you will be sincere in this vision for unity among our people,” ayon kay Bishop Dael sa panayam ng Ronda Veritas.
Paliwanag pa ng Obispo, ang pagkakaisa ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng paglilingkod sa taong bayan, at pagsasantabi ng pansariling interes o interes ng iilan.
Dagdag pa ni Bishop Dael, “And unity can only be achieved not in pursuing our self-interest and the interest of those people who are close to us but in terms of promoting the common good. It’s the common good that unites us. If we will not promote the common good, we will never achieve that vision of unity.”
Si Marcos Jr., ang kaisa-isang anak na lalaki ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na namuno sa bansa sa loob ng dalawang dekada at nagpatupad ng Martial Law.
Taong 1986 nang napatalsik sa kapangyarihan si Marcos Sr. sa pamamagitan ng payapang pag-aalsa ng mamamayan o ang People Power.
Sa pagtatapos ng 2022 Presidential and Local elections, nagwagi ang nakababatang Marcos sa botong higit sa 31 milyon o pagitan ng 16 na milyong boto mula sa katunggaling si Vice-president Leni Robredo.